Langis

Aksyong diplomatiko para maiwasan oil crisis idiniin

88 Views

NANAWAGAN nitong Sabado si Senador Sherwin Gatchalian sa ehekutibo na magsagawa ng pakikipag-usap sa mataas na antas sa Iran upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may kargang langis para sa Pilipinas sa Strait of Hormuz at ang pagkilala sa mga ito bilang neutral.

Sinabi ni Gatchalian na kailangang kumilos agad ang pamahalaan habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at nananatiling hindi matatag ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado.

Aniya, makatutulong ang mabilis na aksyong diplomatiko upang maprotektahan ang seguridad sa enerhiya ng bansa at maibsan ang dagdag na bigat na pinapasan ng mga Pilipino.

“In light of the ongoing surge in the price of petroleum products, which has already caused significant disruptions on the domestic front, I strongly urge the executive department to engage in high-level discussions with Iran to secure safe passage of Philippine-bound oil vessels through the Strait of Hormuz and ensure they are recognized as neutral entities,” sabi ni Gatchalian.

Idinagdag niya na dapat mauna ang pamahalaan sa pagharap sa krisis sa pamamagitan ng estratehikong koordinasyon at mabilis na aksyong diplomatiko. Aniya, malaki ang maitutulong nito upang maprotektahan ang seguridad sa enerhiya ng bansa at maibsan ang bigat ng tumataas na gastusin ng mga mamimili.

“Hindi na puwedeng maantala o malagay sa alanganin ang ligtas at agarang pagdating ng ating suplay ng langis, lalo na ngayong hindi matatag ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado. We cannot afford delays or disruptions that will only further burden Filipino consumers already weighed down by rising costs,” aniya.