Suspect

Akusado sa pagnegosyo ng droga huli matapos 5 taon

Edd Reyes May 16, 2025
16 Views

SA likod ng malamig na rehas nagtapos ang mahigit limang taong pagtatago isang akusado ng pag-iingat ng ilegal na droga noong Huwebes sa Valenzuela City.

Namumuro na dahil limang taon wala sa “drug limelight,” nakalinya pa rin sa illegal drug peg si alyas Toto kaya nasilo ng mga tauhan ni Valenzuela acting police chief P/Col. Relly Arnedo.

Dakong alas-4:05 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section kay alyas Toto ang warrant of arrest na pirmado ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Elena Amigo-Amano ng Branch 282 para sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165.

Pwedeng makalaya pansamantala ang suspek kung makapag-piyansa ng P200,000.

Hihintayin ilabas ang utos ng hukuman para sa paglilipat kay alyas Toto sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Valenzuela City Jail, ayon sa report.