Pasko

Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM

Chona Yu Nov 18, 2024
74 Views

UMAAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na alalahanin sana ngayong Pasko ang mga residenteng naapketuhan ng sunod sunod na bagyo.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na ibahagi sana ang mga pamasko sa mga nasalanta ng bagyo.

“Sana naman pagka-dating ng Pasko, tayong mga Filipino, alalahanin naman natin ang ating mga kababayan na nasalanta, na kahit papaano sana iyong ating gawing pamasko, ipamahagi na lang natin sa kanila. Kawawa naman at sila ay naghihirap,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa ngayon, patuloy na sinasalanta ng bagyong Pepito ang Camarines Norte.

Isang 76-anyos na lalaki ang nasawi sa Daet dahil sa bagyo.

Ito na ang ikaanim na bagyo na tumama sa bansa kasunod ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika at Ofel.