Alden

Alden, Kathryn MU na?

Vinia Vivar Jun 2, 2024
95 Views

MAY MU o may mutual understanding na raw sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

“Nabalitaan ko lang ito, ‘yung tungkol kay Alden at Kathryn. Na sila ngayon ay…,” simula ni Ogie na ibinitin pa ang sasabihin.

Kasunod nito, aniya, “Eh, sila nang bahalang sumagot kung totoo ba, Kathryn at Alden na kayo’y mag-MU na?”

Hirit pa ni Ogie, “May mutual understanding. So, feeling ko, papunta na ‘yan do’n.”

Sey pa niya, “Kasi naman ito raw si Alden, eh, lagi at madalas na nasa bahay ng mga Bernardo. Tapos tinuru-turuan pa ni Alden si Kathryn magmaneho. Paikut-ikot sila du’n sa subdivision.”

Bukod dito ay spotted nga rin ang KathDen na magkasama sa isang mall sa BCG Taguig at tila nagde-date ang dalawa kasama si Allora Sasam.

Pinagpiyestahan din ng fans ang pagsasama ng KathDen sa nakaraang FAMAS awards night na tila hindi mapaghiwalay.

Ang tsika pa ay super-bantay nga si Alden kay Kathryn that night.

Kung bakit MU pa lang muna ang dalawa, say ni Ogie, “Sabi lang ng source ko naman ito – na hindi raw minamadali nu’ng dalawa na maging sila pero meron silang unawaan. So, meron nga silang MU.”

Anyway, hopefully ay aminin ng KathDen if ever nga na maging official na sila lalo pa nga’t for sure ay ikatutuwa ito ng kanilang fans.