Alden

Alden nagpa-food at wine sa block screening ng KimPau movie

Vinia Vivar Apr 8, 2025
33 Views

Sobrang thankful nina Kim Chiu at Paulo Avelino kay Alden Richards sa suporta nito sa pelikula nilang “My Love Will Make You Disappear” na showing pa rin sa mga sinehan ngayon.

Last Sunday ay nagpa-block screening si Alden para sa nasabing pelikula na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan sa The Grin Method, isang gym/fitness center.

As we all know, KimPau and Alden have one thing in common at ito ay ang hobby nila na pagtakbo. Dito sila nakabuo ng friendship at kasama na rin sa grupo si Barbie Forteza na kailan lang nahilig sa pagtakbo.

Bale ba, noong Sunday morning ay nagkita-kita sila sa isinagawang charity fun run sa Ayala. Pagdating naman ng gabi ay magkakasama ulit sila sa pa-block screening ni Alden.

Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram Story ang mga larawan at video ng pa-block screening ni Alden at labis ang pasasalamat niya sa aktor.

“Thank you @aldenrichards02 para sa napakabonggang blockscreening with our @thegrin method fam!!!* SOLID!!! @thank you appreciate you and lahat ng nagpunta. Salamat sobra!” ang thank you message ni Kim for Alden.

Bongga naman talaga ang block screening dahil may pa-food and wine pa si Alden sa lahat ng bisita.