Calendar
Alden nainis sa ending ng DenJen movie
Bilang suporta sa mga kapwa Kapuso stars, nag-sponsor ng block screening si Alden Richards para sa pelikulang “Everything About My Wife” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Sam Milby.
Ipinost ni Dennis at ng GMA ang mga kaganapan sa nasabing block screening na dinaluhan ni Alden at ng JenDen.
Sa video ay mapapanood na abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa kay Alden.
“Gusto naming magpasalamat kay Alden, thank you so much. Maraming salamat, napaka-generous talaga nito. Iba talaga, eh,” ani Jen.
Sey pa niya kay Alden, “anytime, ‘pag kailangan mo ng support, para makabawi naman kami. Kami naman. Kahit ano.”
Sagot naman ni Alden, “Hindi kailangang bumawi kasi nga parang ‘yun ‘yung mission din ng company namin, ng Myriad Entertainment Corporation, to really support the local cinema scenes and kung meron man akong magagawa para sa mga co actors ko in the industy, kahit pa sa labas ng GMA, I will go out of my way to support you, guys.”
Dagdag pa ng aktor, “Ang sarap sa pakiramdam, ‘di ba? Kaya tayo, sama-sama, buhayin natin ang Philippine cinema.”
Pinuri rin ni Alden ang ganda ng pelikula at sey niya, napakahusay daw nina Jen, Dennis and Sam.
“Nakakainis lang ‘yung ending,” sambit pa niya.
Anyway, showing pa rin sa mga sinehan ang “Everything About My Wife” on its second week.