Villar

Alegasyon ng vote buying sinagot ni Villar

Mar Rodriguez Apr 24, 2025
14 Views

SINAGOT ni House Deputy Speaker – Las Piñas Congresswoman at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang allegasyon ng “vote-buying” laban sa kaniya matapos itong isyuhan ng show-cause order ng Commission on Elections (COMELEC).

Ipinaliwanag ni Villar na nakarating na umano sa kaniyang kaalaman ang inilabas na pahayag ng COMELEC Committee kaugnay sa “Kontra-Bigay” makaraang maglabas ng show-cause ang nasabing ahensiya patungkol sa naganap na event sa Imus, Cavite.

“I have been made aware of statements from the COMELEC Committee on Kontra-Bigay that show-cause order will be issued to me in connection to an event held in Imus, Cavite earlier this year,” sabi ng kongresista.

Ayon kay Villar, inaasahang matatanggap pa lamang nito ngayong araw (Abril 23) ang Show-Cause Order mula sa COMELEC.

Paglilinaw din ni Villar na ang binabanggit na event ng COMELEC ay nangyari noong nakaraang Pebrero 9, 2025 kung saan ito umano ay naganap bago pa man nagsimula ang campaign period.

“The event referred to happened last February 9, 2025, which was way before the campaign period,” paglilinaw ng mambabatas.

Pagbibigay diin pa ng kongresista na mariin nitong itinatanggi ang mga akusasyon at patutsada laban sa kaniya na nagkaroon ng vote buying o anomang election offence na nagawa nito.

“I vehemently deny any allegation or insinuation of vote buying or commission of any election offence for that matter,” paliwanag ni Villar.

Gayunman, naniniwala at umaasa si Villar na malilinawan din ang COMELEC patungkol sa naturang kontrobersiya kasunod ng pagkakalinis ng kaniyang pangalan laban sa mga maling alegasyon laban sa kaniya matapos itong magbigay ng kaniyang pahayag at paliwanag.

“I am confident that the COMELEC will clear my name of these wrongful allegations upon hearing my side on the matter,” ani Villar.