Volcano

Alert Level 2 itinaas sa bulkang Mayon

Jun I Legaspi Jun 6, 2023
176 Views

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 2 sa bulkang Mayon.

Ang pagtataas ng alerto ay bunsod ng dumarating aktibidad ng bulkan gaya ng rockfall incident, lindol, at gas emission.

“These low-level volcanic earthquakes, ground deformation, and volcanic gas parameters are overshadowed by recent steep increases in rockfall events which may possibly lead to further dome activity,” sabi ng PHIVOLCS.

Dahil sa mga indikasyong ito, itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level ng Mayon Volcano mula Alert Level 1 (abnormal) patungong Alert Level 2 (increasing unrest).

“This means that there is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to phreatic eruptions or even precede hazardous magmatic eruption.”

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na huwag pumasok sa anim na kilometrong radius na Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibleng biglaan pagsabog, paglaglag ng mga bato at landslide. Nina ZAIDA DELOS REYES & JUN I. LEGASPI