Volcano

Alert Level 3 itinaas sa Mayon

145 Views

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon.

Sa inilabas na bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na dumami ang aktibidad ng bulkan mula ng itaas ang Alert Level 2 dito noong Lunes.

“Since the Alert Level status was raised from Alert Level 1 to Alert Level 2 on 05 June 2023, repeated collapse of the growing summit dome of Mayon Volcano has generated an increasing number and volume of rockfall events. A total of 267 rockfall events and 2 volcanic earthquakes were recorded from 05 to 08 June, compared to 54 rockfall events from 01 to 04 June 2023,” sabi ng PHIVOLCS.

Ang Alert Level 3 ay nangangahulugan umano na mayroong magmatic eruption sa summit lava dome.

“The overall monitoring parameters indicate that very slow extrusion of shallow degassed magma is ongoing and is incrementally increasing in rate; i.e., effusive magmatic eruption is taking place,” sabi ng PHIVOLCS.

Inirekomenda ng PHIVOLCS na lisanin na ang 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta na dala ng pag-aalburuto ng bulkan.

“Increased vigilance against pyroclastic density currents, lahars and sediment-laden streamflows along channels draining the edifice is also advised,” dagdag pa ng PHIVOLCS.

Pinaalalahanan din ang Civil aviation authority na payuhan ang mga piloto na iwasan ang bunganga ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok nito.