Phivolcs

Alerto ng Bulkang Bulusan ibinaba ng PHIVOLCS

162 Views

IBINABA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alerto ng Bulkang Bulusan bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang aktibidad nito.

Ayon sa PHIVOLCS mula sa Alert level 1 ay Alert level 0 na ang Bulusan.

“Bulusan Volcano has returned to normalcy following a general decline in monitoring parameters,” sabi ng inilabas na advisory ng PHIVOLCS.

Mula umano noong ikatlong linggo ng Hulyo hanggang sa kasalukuyan ay nasa 0-5 na lamang ang naitatalang volcanic earthquake na indikasyon na kumokonti na ang hydrothermal activity nito.

Hindi na rin umano namamaga ang bulkan batay sa isinasagawang GPS measurement.

Bumaba rin umano ang Sulfur Dioxide emission o SO2 flux ng Bulusan mula sa 1,900 tonnes kada araw noong Hunyo 5 hanggang 12 ay naging 230 tonnes/day na lamang ito mula Hulyo 25 hanggang Agosto 6.

“In view of the above, PHIVOLCS-DOST is now lowering the alert status of Bulusan from Alert Level 1 to Alert Level 0. This means observational parameters have returned to baseline or background levels and no magmatic eruption is foreseen in the immediate future,” sabi ng PHIVOLCS.