Almazan Source: DOTr

Almazan sa DOTr: Sorry na, pwede ba?

Jun I Legaspi Apr 22, 2024
135 Views

HUMINGI ng paumanhin si Meralco Bolts player Raymond Almazan sa Department of Transportation (DOTr) sa pagdaan sa EDSA busway noong Abril 15.

Nahuli ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) Team Hotel ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ang player dahil sa iligal na paggamit ng EDSA busway lane at pagtatangkang suhulan ang mga operatibang sumita sa kanya.

“Alam naman natin na policy dito sa Metro Manila especially nilalabas naman sa TV na bawal dumaan sa EDSA busway so I admit na talagang mali ako doon na dapat hindi pamarisan talaga.

Let’s just follow the rules na lang para walang problema especially kung nag follow ako ng rules hindi sana ako nagkaganito (nag-viral), may penalty pa ‘di ba?” tanong ni Almazan.

Pinasalamatan ni Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega ang paghingi ng paumanhin ni Almazan at pag-amin ng kanyang pagkakamali.

“It shows to the public na pantay-pantay po ang ating pagtingin sa mga violators, pagtingin sa ating mga commuters, sa ating mga drivers but also it shows a good time a person kusang lumapit, kusang nag-apologize,” pahayag ni Ortega.

“It shows in this event, this morning na marami pong maayos na Pilipino sa ating bansa at maayos ang ating patakaran dito sa DOTr,” dagdag nito.