Alok na trabaho ni PBBM sa taga-Iloilo aabot ng 3,000

Chona Yu Feb 13, 2025
11 Views

AABOT sa 3,000 trabaho ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marxos Jr. sa mga taga-Iloilo.

Ginawa ni Pangulong Marxos ang pahayag sa “Trabaho sa Bagong Pilipinas Para sa 4Ps” sa Iloilo Sports Complex sa La Paz District.

Nabatid na mismong ang Office of the President (OP) ang nag-organisa sa event sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Marcos, tulong ito sa mga graduating na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Piilipono Program.

“All these target 4Ps beneficiaries will undergo pre-employment orientation from partner agencies,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Makatatanggap din ang mga ito ng food assistance na nagkakahakaga ng P3,000 mula sa DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Magbibigay din ang DOLE ng Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa employment assistance

Bibigyan din ang mga benepisyaryo ng Employment Facilitation Track sa Employment Assistance Fund (EAF) na nagkakahalaga ng P5,0000.

Gagamitin ang pera sa pagkuha ng pre-employment requirements gaya ng police and NBI clearances, medical o physical examination, birth certificate, school diploma, at iba pa.

Layunin ng Trabaho sa Bagong Pilipinas Para sa 4Ps na makapagbigay trabahonsa mga Filipono.