Altas Nagdiwang ang Perpetual Help players matapos talunin ang St. Benilde. Photo by Dennis Abrina

Altas lusot sa Blazers sa NCAA

Theodore Jurado May 5, 2022
267 Views

NALUSUTAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang pagliban ni Kim Aurin upang talunin ang College of Saint Benilde, 76-64, at kunin ang nalalabing Final Four berth sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

“Pagkagising ko, wala raw yung Kim Aurin,” sabi ni first-year coach Myk Saguiguit ukol sa kanyang prized forward, na hindi nakalaro dahil sa chickenpox.

“Sabi ko maglaro tayo para kay Kim Aurin. Let’s give it to him. Nag-respond naman mga player natin.”

Pinunan ni JP Boral ang butas na iniwan ng Aurin, kung saan naibuslo niya ang lahat ng 11 points sa first half kung saan nasa trangko ang
Altas.

Nanguna si John Abis para sa Perpetual na may 14 points, nag-ambag si Jielo Razon ng 13 points, 11 rebounds at tatlong assists, habang bumuslo rin si captain Jeff Egan ng 13 markers bukod sa apat na boards at dalawang assists.

Matamis ang panalo ng Altas, na nakaiwas sa pagkakasibak matapos manalo ng apat na sunod na laro.

Haharapin ng Perpetual ang defending champion Letran sa Final Four sa Linggo.

“Unang una sa lahat, nagpapasalamat ako sa coach natin sa Itaas. Kung wala iyon, hindi magkakaroon ng NCAA. Hindi namin mae-experience yung ganitong nangyayari sa amin. Hindi kami pinabayaan sa journey namin sa Season 97,” sabi ni Saguiguit.

Tampok sa isa pang semis pairing ang No. 2 Mapua at No. 3 San Beda.

Tumapos si JC Cullar ng 18 points habang naitala ni Will Gozum ang kanyang ikaanim double-double ng season na may 13 points at 13 boards para sa Blazers.

Iskor:

Perpetual (76) — Abis 14, Razon 13, Egan 13, Pagaran 12, Boral 11, Omega 6, Martel 4, Cuevas 2, Sevilla 1, Barcuma 0.
CSB (64) — Cullar 18, Gozum 13, Flores 10, Nayve 8, Corteza 8, Lim 4, Lepalam 2, Marcos 1, Carlos 0, Sangco 0, Publico 0, Davis 0, Mosqueda 0.
Quarterscores: 21-14, 40-32, 59-47, 76-64.