Calendar
Altas, Pirates nakabawi
NAIBALIK ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang winning ways habang binigyan ng Lyceum the Philippines University si Gilbert Malabanan ng kanyang unang coaching win sa NCAA men’s basketball tournament yesterday kahapon aa La Salle Greenhills Gym.
Kumana si Jeff Egan ng season-high 26 points nang ilampaso ng Altas ang Arellano University, 87-70, habang ginapi ng Pirates ang Jose Rizal University, 82-75.
Nasiyahan si coach Myk Saguiguit na sinunod ng Perpetual ang kanilang game plan, kung saan umiskor ang Las Piñas-based dribblers ng 25 fastbreak points.
“Sabi ko sa kanila, takbuhan namin sila ng takbuhan. Iyon ang puhunan namin,” sabi ni Saguiguit makaraang umangat ang Altas moved sa solo fifth na may 2-2 kartada.
Bumawi si Jielo Razon sa pagkabokya nitong nakalipas na laro upang bumuslo ng 14 points para sa Perpetual.
Nagtala si Justin Arana, na sumalang ng 31 minutes na may isang maayos na tuhod, ng 14 points at 12 rebounds para sa Chiefs, na natalo ng tatlong sunod matapos ang season opening victory.
Nakuha na rin ng once-mighty LPU kung paano manalo sa ilalim ni Malabanan.
Pumalit kay Jeff Perlas, na umalis sa programa na hindi sumalang ng isang NCAA game dahil sa family reasons noong nakaraang taon late, natuwa si Malabanan sa pagresponde ng kanyang tropa upang matapos ang three-game losing skid, na siyang pinakamasamang umpisa ng Pirates magmula pa noong 2016.
“I’m very happy sa ipinakita ng mga players ko. I give credit to them. Kasi they are the ones who are working hard sa practice,” sabi ni Malabanan, na isa sa mga assistants ni Topex Robinson’s assistants sa Finals runs ng LPU noong 2017 at 2018.
“Yun lang ang sinasabi ko sa kanila. I want to be aggressive offensively and defensively,” aniya.
Tumipa si Enoch Valdez ng 21 points, 12 rebounds at limang steals, nagdagdag si rookie McLaude Guadaña ng 14 points, tatlong assists at dalawang boards habang nagposte rin si Yancy Remulla ng double-double na may 10 points at 11 rebounds para sa Pirates.
Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong seasons, nagsimula uli ang Bombers sa 0-4 upang maging kaisa-isang winless team.
Iskor:
Unang laro
LPU (82) — Valdez 21, Guadaña 14, Remulla 10, Larupay 9, Cunanan 6, Barba 6, Bravo 6, Guinto 4, Garro 3, Navarro 3, Umali 0.
JRU (75) — Celis 24, Delos Santos 14, Dionisio 14, Agbong 11, Macatangay 5, Gonzales 3, Jungco 2, Arenal 2, Aguilar 0, Bongay 0, Guiab 0.
Quarterscores: 12-24, 38-40, 61-61, 82-75
Ikalawang laro
Perpetual (87) — Egan 26, Razon 14, Aurin 11, Barcuma 10, Omega 6, Martel 6, Pagaran 4, Cuevas 3, Kawamura 3, Sevilla 2, Nunez 2, Abis 0, Boral 0, Movida 0.
Arellano (70) — Arana 14, Cruz 12, Doromal 12, Caballero 12, Sta. Ana 7, Concepcion 4, Oliva 2, Abastillas 2, Steinl 2, Carandang 2, Sablan 1, Uri 0, Valencia 0.
Quarterscores: 20-17, 43-27, 66-47, 87-70.