Calendar

Nation
Alyansa ng Bagong PH pagsusumikapan 12-0 panalo ng pambato sa Senado
Chona Yu
Sep 27, 2024
195
Views

PAGSUSUMIKAPAN ng Alyansa ng Bagong Pilipinas na maipanalo ang 12 kandidato ng Senador sa 2025 elections.
Sa panayam kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Alyansa ng Bagong Pilipinas Convention sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi nitong kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maipapanalo ang mga manok ng administrasyon.
“I am very very confident. the unity of the five parties. We will do our very best,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Pasok sa Magic 12 sina Manny Pacquiao, Benhur Abalos, Francis Tolentino, Bong Revilla, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Ping Lacson, Lito Lapid, Abby Binay, Imee Marcos, at Camille Villar.
Hindi naman nakadalo sa convention si Senator Imee.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025