Shabu Source: File FB photo

Ama dinalaw anak sa selda, tiklo sa shabu na tinago sa diaper ng apo

Steve A. Gosuico Aug 26, 2024
47 Views

CABANATUAN CITY–Arestado ang 70-anyos na biyudo noong Linggo matapos mabuking na magdadala ng shabu sa selda ng kanyang anak na nakasilid sa diaper ng kanyang apo.

Tameme ang naarestong suspek na residente ng Purok 2, Brgy. San Juan ACCFA, Cabanatuan City.

Timbog ang suspek at ginamit pang accessory sa krimen ang isang taong gulang na apo nang dumalaw sa kanyang anak na lalaki na nakakulong dahil sa kasong iligal na droga.

Sinabi ni P/Col. Richard Caballero, hepe ng Nueva Ecija police, na naharang ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 sa routine check na isinagawa ni Rene Diaz, 48, prison guard, at security aide na si Cornelio Soriano, 59, sa entrance gate ng provincial jail sa Maharlika Highway sa Brgy. Caalibangbangan dakong alas-9:45 ng umaga.

Nakuha ng mga jail guard ang plastic sachet na may lamang shabu sa loob ng pampers ng apo ng suspek.