Bongalon

AML Bongalon tinawag na fake news bintang na kanyang ginalaw pondo para sa 1st distrito ng Albay

23 Views

TINAWAG na “fake news” ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list ang alegasyon na siya ang gumalaw sa pondo na nakalaan para sa unang distrito sa Albay.

Hinamon din ni Bongalon ang nag-akusa sa kanya na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman na maglabas ng ebidensya upang mapatunayan ang alegasyon sa kanya na malinaw umanong politika ang motibo.

“I, together with Cong. Zaldy (Co), have already issued the official statement about it. But in addition to that, in so far as I am concerned, unang-una, kung sino man yung nag-aakusa, yun po yung may burden of proof. Ibig sabihin, yun dapat yung may obligasyon na magpatunay,” ani Bongalon.

Ayon kay Lagman sina Bongalon at Ako Bicol na si Elizaldy “Zaldy” Co ang naglipat ng pondo na nakalaan sa unang distrito ng Albay patungo sa mga proyektong pabor sa mga ari-arian ng pamilya Co.

“Now, my question is, asan po yung kanyang ebidensiya na ako po nakialam, nagtapyas, at nag-divert ng pondo para sa 1st District of Albay? In other words, wala hong basehan. It was a false accusation, and in fact, itong malicious accusation against me, sa anong rason? Probably, politika. Para siraan po tayo,” dagdag ng solon.

Kinuwestiyon din ni Bongalon ang timing ng paglabas ng mga paratang dahil ilang buwan na umano mula ng maisapubliko ang 2025 General Appropriations Act subalit ngayon lamang ginawa ang akusasyon.

“Marami na po siyang interviews na ginawa na kung saan lumipas na ang buwan ng Enero at by that time, alam na natin lumabas na yung General Appropriations Act. It was already uploaded before the official website of the Department of Budget and Management. Pero during those times, January, February, never naman na-mentioned yung pangalan ko,” aniya.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat sana ay dumaan sa tamang proseso ang mga nagdududa sa badyet sa halip na maglabas ng mga paratang nang walang pruweba.

“Dapat nagsulat sana sila sa House leadership and ask ano po nangyari sa budget ng 1st District of Albay. Kumbaga, let’s do it through a proper channel. Don’t just accuse someone, several months have already elapsed, tapos babanggitin mo lang yung pangalan ko dahil magkalaban kami sa politika. I think that’s not fair,” diin niya.

Sinabi rin ni Bongalon na ang yumaong Albay Rep. Edcel Lagman, na dumalo sa deliberasyon ng badyet, ay hindi kailanman kinuwestiyon ang alokasyon para sa distrito.

“May mga interviews kasi si Mayor Krisel na sinasabi niya, Congressman Edcel Lagman was attending session via online and all of us, knowing Cong. Edcel, alam natin na hindi yan nagpapahuli sa mga diskusyon dito sa Kongreso. Ano man ang mga issue, ano man ang mga usapin, hindi po nagpapahuli si Cong. Edcel Lagman,” ani Bongalon.

Ipinaliwanag niya na ang badyet ay produkto ng deliberasyon sa pagitan ng Kamara at Senado, kaya’t imposible para sa isang mambabatas lamang na manipulahin ito.

“The budget was signed before the end of 2024, Congressman Edcel Lagman was still present. So bakit isisisi sa akin, as in, at bigyan yung obligasyon para depensahan yung budget ng ibang Kongresista?” tanong niya.

Mariin ding itinanggi ni Bongalon na dapat siya ang nagdepensa sa badyet ng distrito, dahil nakatutok siya sa mga proyekto ng Ako Bicol party-list.

“The last time I checked, I am a representative of party-list Ako Bicol. Yung constituency ko, six provinces. At the last time I checked, meron pong Congressman sa 1st District of Albay,” aniya.

Kinondena niya ang umano’y smear campaign laban sa kanya bago ang eleksyon.

“So it means that, of course, election season, nagsisimula na naman yung siraan. That’s why I appeal to the one who wrote that statement na hindi man lang kinuha yung side ko. It was a one-sided news article na hindi man lang nag-effort na kuhanin yung akin pong panig,” aniya.

Hinamon ni Bongalon ang kanyang mga nag-aakusa na idulog ang usapin sa korte at patunayan ang kanilang paratang.

“That’s why I challenge her to go to the court and prove that Cong. Jil Bongalon diverted that particular fund,” ani Bongalon.