Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Echo

Anak ni Echo boto sa EchoNine

Vinia Vivar Oct 6, 2024
4 Views

Pati mga artista ay kinilig sa pagbati ni Jericho Rosales sa rumored girlfriend na si Janine Gutierrez sa kaarawan ng aktres kahapon, October 2.

Nag-post si Echo ng mga larawan nila ni Janine together at ang caption niya ay, “Happy birthday to my museum / tabing-ilog date @janinegutierrez.”

Sinagot naman ito ni Janine ng “im so happy thank youuuuuu.”

Nabulabog ang comment section dahil sa rami ng artistang nag-react at katakot-takot na kantyaw na inabot ng EchoNine.

Sey ni Melai Cantiveros, “Happy Bday @janinegutierrez that broke my heart.”

Sabi naman ni Vina Morales, “Hihihi happiest bday sister @janinegutierrez haba ng hair, abot sa US hahahaha love yeah.”

Nag-react din si JK Labajo at napamura pa. “Sh*t,” aniya.

Reaksyon naman ni Kim Molina, “iiiiihhhhhhh!!!!!!! hihihihihih.”

Kinilig din si Lovely Abella na nag-comment ng “Ayieeeee…..”

Pero ang umagaw ng pansin namin sa lahat ay ang reaksyon ng kaisa-isang anak ni Echo na si Santino Rosales.

Isang “heart hands” emoji ang comment ni Santino which means aprub sa kanya ang relasyon ng ama kay Janine.

Of course, super-kilig din ang EchoNine fans at pinuri-puri nila ang aktor for being vocal about his feelings for Janine na ewan kung may pinariringgan.