Reyes

ANAKALUSUGAN iminungkahi puksain child labor

Mar Rodriguez Mar 14, 2023
179 Views

IMINUMUNGKAHI ngayon ng ANAKALUSUGAN Party List Group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang mapuksa ang talamak na “child labor” at iba pang uri ng pagmamalabis sa mga batang nasa murang edad.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si ANAKALUSUGAN Party List Congressman Ray T. Reyes matapos ang nakakabahala ang pagtaas ng kalahating milyon (500.000) sa bilang ng mga kaso ng child labor sa bansa mula noong 2020. Alinsunod sa impormasyong inilabas ng Philippine Statistic Authority (PSA).

Dahil dito, binigyang diin ni Reyes na lalo pang dumadami ang bilang ng mga batang sapilitang pinagta-trabaho kahit sa panahon ng pandemiya. Kung kaya’t kinakailangan na aniyang kumilos ang gobyerno upang mapangalagaan ang mga batang inaabuso at nilalapastangan ang karapatan.

“More and more children are being forced to work since the pandemic. We need to exhaust more measures and enlist more allies so we can protect our children from the dangers of child labor and exploitation,” ayon kay Reyes.

Idinagdag pa ni Reyes na mismong ang PSA ang nagsiwalat na mayroong 1.37 milyong bata ang nagta-trabaho sa gulang na lima hanggang 17 anyos noong 2021. Kung saan, mas mataas ang bilang na nakuha nila mula sa PSA. Kumpara sa 872,333 na mga bata sa parehong edad na nagta-trabaho sa bansa noong 2020.

“Ito’y malinaw na sampal sa mukha ng mga awtoridad na dapat magbigay ng paalala sa kanila na marami pang puwedeng gawin ang gobyerno upang masiguro na naipapatupad ng tama ang mga batas na nagbabawal sa pagta-trabaho ng mga bata,” sabi pa ni Reyes.