Gerald anderson

Anderson bibida sa Chooks 3×3

Robert Andaya Nov 15, 2022
411 Views

MAGPAPAKITANG gilas ang sikat na aktor na si Gerald Anderson sa darating na Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Quest 2.0 sa Ayala Malls Solenad sa Sta. Rosa, Laguna sa Nov. 20.

Ang 33-taong-gukang na si Anderson ay lalaro para sa Botolan Hayati, isa sa anim na bagong teams na sasabak sa FIBA 3×3.

Bago dito, naglaro na din si Anderson sa Marikina.

Makakasama ni Anderson sa Botolan Hayati ang hip-hop recording artist at actor na si JV Kapunan, actor Joe Vargas, at 6-foot-7 Nigerian Emman Ojuola ng FEU Tamaraws.

Limang iba pang teams — Talisay City, Butuan, General Santos, Makati at Quezon City — ang lalahok at magtatangkang gibain ang top two 3×3 teams ng bansa na Cebu Chooks and Manila Chooks.

Pipilitin din ng mga ito na masungkit ang kanilang ticket sa 2022 FIBA 3×3 World Tour Hong Kong Masters.

Sasandal ang Talisay EGS kina Paul Desiderio,Matt Flores, Jerome Napao, at Steve Akomo.

Ang Butuan Chooks naman ay aasa kina JP Cauilan, Jason Strait, Rhaffy Octobre at Moustapha Arafat.

Papatnubayan ang General Santos nina Chester Sera Josef, Andro Catipay, Irvin Mendoza, at Harold Talan.

Sa Makati MNL Kingpin, sasalang sina Kako Morales, Kenz Diokno, Kobe Pableo, at Marco Sario.

Magbibida pa din para sa Cebu Chooks sina Mac Tallo, Brandon Ramirez, Mike Nzeusseu, at Marcus Hammonds habang sasabak para sa Manila Chooks sina Dennis Santos, Dave Ando, Henry Iloka, anlt Leon Lorenzana.

“The composition of the teams is exciting as this is the first time in a year that we will be holding an open tournament,” pahayag ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas.

“We hope that Coach Chico Lanete can find some players here who he can recruit for the 2023 season,” dagdag pa ni Mascarinas, ang itinuturing na godfather ng Philippine 3×3.

Mapapanood ang Chooks 3×3 Quest 2.0 sa Chooks-to-Go Pilipinas’ Facebook page.