Andi

Andi at Philmar sabay nagpa-tattoo

Vinia Vivar Feb 22, 2025
19 Views

Matapos mag-away at magkaayos, sabay na nagpalagay ng tattoo kamakailan ang engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa isang reel na ibinahagi ng Island Tattoo Piercing Studio, makikita sina Andi at Philmar na nagpapalagay ng bagong tats.

Makikita rin sa video ang mga anak nilang sina Lilo at Koa.

“What an absolute honor to turn @andieigengirl stories into lasting art. Another tattoo sessions with the power couple @andieigengirl & @chepoxz we couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa,” caption ng tattoo parlor.

It’s interesting to note na ang dahilan ng alitan nina Philmar at Andi ay ang identical 224 tattoo design na ipinalagay ng surfer at ng Swedish female friend nito na si Pernilla Sjoo.

Matatandaang early this month ay ipinost ng aktres ang kanyang paghingi ng consultation sa app na Chat GPT (AI chatbot) kung saan ay tinanong niya ito kung suspicious ba “when a friend invites your love partner to get a love couples tattoo without even filling you in or consulting you?”

Dahil dito ay na-bash nang katakot-takot sina Philmar at Pernilla at tinawag silang ‘cheaters’ ng netizens.

Sa isang hiwalay na post ay sinabi ni Andi na hindi naman nag-cheat si Philmar. Nasaktan lang siya sa ginawa nito.

Matapos ang ilang araw ay nag-post si Philmar na okay na sila ni Andi.