Andrea ‘bininyagan’ ni Jake

Vinia Vivar Mar 4, 2025
15 Views

MARAMI ang ginulat ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes nang pumayag itong magbago ng kanyang image bilang isang actress sa kanyang pagpasok sa top-rating action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan at dinidirek ni Coco Martin.

Hindi ikinakaila ng star ng “Senior High” at “High Street” TV series na sobra umano siyang kinabahan sa kanyang bagong papel dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpa-seksi siya at lumaban nang laplapan sa mahusay na actor na si Jake Cuenca who is 26 years her senior.

Papel ni Famita ang role ni Andrea sa “FPJ’s Batang Quiapo” mula sa Benito family na mga scammer.

Si Jake ang `nagbinyag’ kay Andrea sa pakikipag-kissing scene sa harap ng camera.

Hindi ikinakaila ni Andrea na sobra umano siyang kinabahan sa kanyang mga ginawang eksena sa first taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” pero napawi umano ito dahil sobra umanong mahuhusay ang kanyang mga kaeksena including Jake na naging maingat umano sa kanilang kissing scene.

Si Andrea (21) ay isa sa bagong characters na pasok sa bagong season ng “FPJ’s Batang Quiapo” along with Angel Aquino, Albert Martinez, Jake Cuenca, Dante Rivero, Chanda Romero, Celia Rodriguez, Shamaine Buencamino at iba pa.

Maraming `firsts’ kay Andrea sa pagpasok niya sa “FPJ’s Batang Quiapo”. First time niyang makipag-kissing scene, first time niyang katrabaho si Coco and the rest of the cast (except for Angel Aquino) who played her mother sa hit primetime series na “Senior High” at “High Street”.

Sen. Bong hindi nakalilimot

IN his 52 years in showbiz, maituturing na isa sa mga well-loved personalities ang actor-producer and politician na si Sen. Bong Revilla dahil hindi ito nakakalimot sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media and vloggers sa tuwing meron siyang mahahalagang proyekto o okasyon na ibabahagi tulad ng bagong pelikula, programa maging ang kanyang pagpasok sa larangan ng public service na 30 taon niyang ginagawa.

“Kayo ang naging sandalan ko through my ups and downs and never niyo ako tinalikuran,” pahayag niya sa isang intimate lunch get-together with his entertainment writer-friends sa Victorino’s Restaurant kamakailan lamang.

Si Sen. Bong ay nagsimula bilang child actor sa mga pelikula ng kanyang yumaong ama, ang veteran actor-producer at dating senador na si Ramon Revilla, Sr. Ang pagiging actor-producer ng kanilang family-owned film outfit, ang Imus Productions ay sinalo ni Sen. Bong sa kanyang ama sa tulong na rin ng kanyang mga kapatid.

Malaki ang tulong ng kanyang pagiging actor-producer sa kanyang pagpasok sa larangan ng public service nang siya’y tumakbong vice-governor ng Cavite. Bago tumakbo bilang senador ay nanilbihan din siyang governor ng Cavite. At bilang senador ay marami rin siyang batas na naisulong at ang pinakabago ay ang pagkakaroon ng P10,000 cash incentives ng mga senior citizens na umaabot sa edad na 80, 85, 90 & 95. Ito’y on top sa P100,000 reward money sa mga umaabot sa edad na 100 kaya natutuwa ang mga matatanda na umaabot sa edad na otsenta pataas.

Ang pagpapababa ng amusement tax ay isa rin sa mga isinulong ni Sen. Bong para makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi na ang sinasabing isa sa dahilan ay ang mahal na bayad sa mga sinehan.

Proud father and grandfather din ngayon si Sen. Bong. Sa mga anak nila ng wife niyang actress-politician si Rep. Lani Mercado, may isa na silang lawyer (Inah) at doktora (Loudette) at tatlong politicians na sina Bryan, Jolo at Ram. Si Ram ay first nominee ng Agimat Partylist, si Jolo ay reelectionist sa pagka-kongresista ng 1st district ng Cavite habang si Bryan na kasalukuyang board member ng 2nd district ng Cavite ay candidate sa pagka-vice governor ng Cavite, dating posisyon ni Sen. Bong at ni Jolo habang muling tatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite si Lani. Ang dalawang kapatid ng senador na sina Strike Revilla at Rowena Bautista-Mendoza ay mayor at vice-mayor ng Bacoor, Cavite. Dati namang mayor ng Antipolo City ang nakababatang kapatid nila na si Andrea Bautista-Ynares habang mayor naman ngayon ng Antipolo ang mister nitong si Mayor Jun Ynares.

Samantala, kahit busy si Sen. Bong sa kanyang pagiging public servant, hindi na rin nawawala sa kanyang puso ang showbiz at paggawa ng pelikula at TV show.

Ngayong pansamantalang naka-stop ang bagong season ng kanyang weekly sitcom on GMA, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”with Beauty Gonzalez dahil sa kanyang pagiging abala sa kampanya, ipagpapatuloy din niya ito pagkatapos ng halalan. Meron din siyang tatlong pelikulang nakabinbin under Imus Productions na balak niyang tapusin within the year. Ang mga ito ay ang “Lagot ka sa Tatay Ko,” “Birador: Alyas Pogi 4” at isang untitled movie with Brillante Mendoza.

Looking forward din si Sen. Bong na sana’y matuloy ang balak ni Coco Martin na magsama-sama ang mga action stars sa isang pelikula para makatulong sa industriya.

Sam mahal pa rin si Catriona?

MUKHANG mahal pa rin ng Fil-Am singer-actor na si Sam Milby ang kanyang ex-fiancee, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray dahil bumigay ito during his one-on-one interview with King of Talk Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” nang ito’y tanungin tungkol sa kanyang dating kasintahan. Klinaro rin nito na wala umanong third party sa kanilang paghihiwalay tulad ng gustong palabasin ng ibang tao. Although he didn’t mention details kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Catriona, he’d rather not talk about it dahil pareho umano silang nasaktan sa nangyari.

Pero kung mahal pa nina Sam at Catriona ang isa’t isa, bakit hindi nila ito ayusin?

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.