Andrea

Andrea walang VIP treatment sa concert ni Olivia

Vinia Vivar Oct 7, 2024
4 Views

Naintriga na naman si Andrea Brillantes habang nakapila sa concert ni Olivia Rodrigo na ginanap last October 5 sa Philippine Arena, Bulacan.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Andrea ang video niya habang nasa Philippine Arena bago magsimula ang concert.

Makikita ngang maliwanag pa sa labas meaning, maaga siyang dumating doon para pumila.

Sey niya sa caption, “I was the first one to line up sa queue number lane namin ang habahahahahahaha.”

Makikita nga ring medyo hulas na ang beauty ng aktres at pinagpapawisan kaya panay ang paypay niya.

Pero mukhang na-nega agad si Blythe sa kanyang post at napag-isipang ipinagyayabang niya ang kanyang no. 1 spot kaya naman nilinaw niya ito agad.

“Oopsiee — I just realized I worded that poorly, and it came off as me

bragging about my spot. But y’all got it wrongggg,” aniya.

“What I meant to say was, sa aga ko pumila kaniang umaga I ended up first in line in my queue number lane,” paliwanag ng aktres.

She also stressed na super-aga niyang pumili at walang VIP treatment.

“Kaya ako lang tao nandun bc I lined up very early for it. it wasn’t VIP treatment or anything magical,” paglilinaw ni Andrea.

Matatandaang a few days ago ay naintriga rin ang aktres ng isang netizen na kinukuwestiyon kung bakit may hawak na siyang physical tickets para sa concert ni Olivia gayung wala pa ang iba.

Nilinaw agad ito ni Andrea at sinabing wala pa siyang hawak na physical tickets.

Anyway, sobrang nag-enjoy si Andrea sa “Guts” world tour ni Olivia at makikita ito sa mga video na ipinost niya.