Marites Lang

Ang E-Vehicles Bilang Pangontra Sa Lovelife Busters

Marites Lang Jun 23, 2022
261 Views

ANG COVID-19 pandemic ay napakalawak ng naging epekto hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ayon sa World Bank, ang buong mundo ay nasa gitna ng pinakamalupit na recession pagkatapos ng World War 2. Ang hirap kumita para sa mga ordinaryong tao at ibig sabihin, medyo nasa level na ng meltdown ang ekonomiya ng maraming bansa. Sa Pilipinas naman, bukod sa matinding lockdown, mahal ang bilihin, mga work from home arrangements at ang iba ay nawalan ng work. Hindi naman gaanong extreme siguro ang epekto although masakit din. Subalit merong nakakagulat na social phenomenon bukod dito sa mga nabanggit. Dumami ang nagka jowa, lumagablab at umapoy ang lovelife. Kakaiba ang reaction nating mga Pinoy.

Ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute(UPPI) at sa United Nations Populations Fund (UNFPA), umabot sa 214,000 unplanned pregnancies ang naitala sa kalagitnaan ng pandemya. Mukhang napasobra ang epekto ng ayuda…kadaming najontis Teh! At daang libo ang mga babaeng teenagers na nag access sa mga family planning supplies. Naging hobby ng mga kabataan ang kalabitan at ang bahay bahayan. Susme!

Sa pag-aaral ng Commission on Population (POPCOM), yung ibang hindi nakapag access sa mga family planning supplies ay nakadagdag pa sa health crisis ng bansa dahil nga sa teenage pregnancy. Sang ayon kay POPCOM Caraga Director Alexander A. Makinano, kailangan na ng social support ang sitwasyon ngayon ng social cluster na ito. Well, sa pananaw ng kabataan, maaaring ang kanilang pagbubuntis ay dahil sa pag ibig, or pwede dahil masaya lang sila mag bahay bahayan. Yan tuloy andaming mga babies na isinilang during pandemic, although madami din nategi… mga 60,467 cases daw sa Pilipinas ang COVID 19 related death cases sabi ng World Health Organization (WHO). In short, mas madami nabuntis kesa sa namatay sa Pilipinas. Matinding pagmamahalan kaya nagkabuntisan… no pun intended. Walang kontrahan ng lovelife naman siempre nabanggit lang yung mga data. Kung nagmamahalan naman talaga e well… love makes the world go round naman!

Okey sige… tuloy ang ligaya sana pero nagmahal naman ng grabe ang petroleum products. Nagmahal ang pamasahe, ang mga bilihin tumaas at ang tindi ng epekto nito sa ating mga pinoy. Sa mga lovers, dapat sana magkikita araw araw hanggat pwede pero mahal ang grab. Pano yan? Panira ng lovelife ang maliit na pocketbook at budget. Ang daily commute nga to work e mahal din kaya buti na lang nag hybrid work arrangements. Nag iba ang behavior kahit sa mga mag jowa kasi magastos mag maintain ng relasyon. Wala ng roadtrips, gimikan para mag bonding, dining out etc. at napilitang mag stay home ang affected ng economic slowdown. Kaya nabawasan ang bonding moments ng ibang mag jowa na hindi nagsasama sa iisang bahay. Nauso ang pagtitipid ngayon. Sabi ng JPMorgan Chase ang consumer spending ay sumadsad na kaya pagkain, tubig at mga basic essentials lang ang napaglalaanan ng mga budget ng karaniwang pamilya. Di gaano priority ang lovelife ngayon ng mga common tao. The high cost of living is a real love buster now, right? So paano ngayon yung mga nabuntis? I can’t imagine the stress among parents of these people.

Dahil mahal ang gas, mahirap mag commute at konti na lang ang public transport. Kaya merong surge ngayon ng need for the micromobility industry lalo na sa mga short distance travels. Ang mga low speed vehicles tulad ng scooters, motorsiklo at bisikleta nauuso ngayon. Yung mga light electric vehicles naman tulad ng e-bikes, e-scooters, hoverboards, electric skateboards at iba pang hybrid vehicles na usually ay pang 8kilometers na byahe lang, tumataas ang demand for these items. Yung 3 wheeled e-rickshaw sa India ay malamang mauso dito bilang kapalit ng tricycles, if not mga hybrid 3 wheeled carts ang mauuso.

At dahil mukha ngang mauuso ito (nakita ko sa MOA andami naka e-scooters) siempre mangangailangan tayo ng charging stations, docking stations, special roads for these vehicles at mga magagaling na mekaniko para sa mga ito. Syempre, mga gamit for safety like helmets, glow in the dark markings, knee pads, elbow support pads etc. At mas maganda solar powered ang docking stations nito.

Sa pag evolve ng society sa panahon ngayon, nakikita na natin ang mga produkto na magkakaroon ng role sa mga negosyo at personal na galaw o dynamics at behavior ng mga tao. Kailangan nating paghandaan ang pagdami ng mga nabanggit na mga produkto para tuloy ang ligaya ng mga nagmamahalang mga nilalang. Masamang kontrahin ang lovelife at kailangang ayunan din natin ang pag asenso ng society.

Ang malamang na gawin ko ay mag ipon para may e-trike na sasakyan para madali pumunta sa grocery. Tara na mag google ng magandang e-vehicle.