Calendar
Ang Ekonomiya at Biodiversity ng Pilipinas
UMPISAHAN natin ang aking munting kwento sa saglit na pagbalik sa ating kasaysayan. Ang ating bansang Pilipinas ay nagkaroon ng deklarasyon ng Kalayaan mula sa Espanya noong June 12, 1898. Sa kasulatan ng Amerika at Espanya na pinirmahan sa Europa na tinawag na Treaty of Paris ibinenta ang ating bansa sa halagang $20 milyon. Kaya tayo ay American Territory mula noon hanggang sa World War 2 na nag-umpisa ng 1941. Batang-batang bansa na ibinenta na alanganing ipinaampon o parang naibugaw yata tayo sa Amerika, if I may call it that. Hindi tayo nabigyan ng choice dito.
Matapos ang nuclear bombing sa Hiroshima noong 1945 ay binigyan tayo ng kalayaan ng Amerika at nagkaroon ng pamahalaang pansarili noong July 4, 1946. Bagamat ang mga batas natin ay halos lahat ay iginaya sa US, relatively ay nakapagtayo tayo ng sariling pamahalaan at hanggang sa ngayon ay work in progress pa din ang pag-evolve ng ating gobyerno, pamahalaan at pati kultura. Kumbaga, ang sense of identity natin ay binubuo pa natin kaya relax lang tayo mga makabayang Pilipino kasi nagdedevelop pa tayo as a nation. Walang steroids na pwedeng gamitin para bumilis ang evolution ng Philippine culture at nation sa loob ng 76 years matapos bigyan ng kalayaan ng US.
May magandang nangyari noong November 6, 1989 nang tayo ay kilalaning miyembro ng Asia Pacific Economic Council (APEC). Bagama’t baby economy tayo at nasa pangatlo sa pinakakulelat na member economy sa ranking ay kasali na din tayo sa mga pagpupulong sa pagsulong ng mga trade policies or pag-uusap sa mga regulasyon ng palitan ng mga kargamento, produkto ng mga iba ibang bansa.
Sige silipin natin ang ating progreso sa linyang ito. Ang kalimitang trading partners natin ay ang China ($36.2 bilyon), Japan ($10.3 bilyon), South Korea ($8.9 bilyon), United States ($7.97 bilyon) at Singapore ($7.56 bilyon).
Ano naman daw ang iniexport natin sa mga bansang nabanggit?
Sang-ayon sa ating mga nakalap na data, 42% ng exports natin ay mga electronic products. Dito din pala nagmamanufacture ng mga gamit sa iba-ibang industries kagaya ng ibang processed food, microchips, semiconductors, piyesa ng mga sound systems, computer parts, etc. na bumubuo ng 10% ng export products natin. Meron din tayong mga exports na furnitures at woodcrafts na may malaki ding pasok na dolyares sa ekonomiya. Me mga coppers, coconut oil, metal components. Yun na yung mga produkto natin na inaasahang magpasok ng income sa ating mga negosyo. Ang konti naman… Pero siyempre ang mga skilled workers at OFWs na ipinadadala din natin abroad ang pinakamalaking dollar earning subgroup sa ating populasyon at nagbibigay ng pondo sa maraming pamilya.
Ang kulang sa pamalengke at pangenrol ng mga bata ay napupunuan kalimitan ng isa o ilang OFW sa pamilyang Pinoy.
But the problem is ang mahal ng gas ngayon mga ate at kuya. Nakakatulalang P74 to P85 per liter ang presyo ng mga petroleum products ngayon. Paano na ang budget ni Nanay at anong pagkain ang pwedeng bilihin kung hindi madadagdagan ang ating income?
Parang ang lungkot subalit teka lang mga kapuso, kapamilya at kapatid, huwag nating kalimutan ang ibang mukha ng ating bansa.
Kahit na nagdadalaga pa lamang ang ekonomiya at bansa natin ay may taglay namang ibang alindog na wala ang iba. Akala ba natin ay porke naabuso na tayo ng mga Espanyol, Amerikano at Hapon ay nabawasan na ang ating taglay na alindog? E sang-ayon sa mga pag uulat ng mga dalubhasa ang PILIPINAS ang may two-thirds of the Earth’s biodiversity at 70% of the world’s plants and animals’ species ay nandito sa ating mga bundok, karagatan at kagubatan.
In short, pinagpala tayo na bansa sa dami ng potential treasures na dapat ay anihin lamang at pagyamanin. Linawin natin na yung malawak na biodiversity sa bansa natin ay may mga energies necessary for the ECOSYSTEM. Eto yung proseso ng pagpapalitan, pag-uugnayan at pagkakaroon ng mga crystals, halaman at iba pang produkto o enerhiya ng kalikasan at epekto nito sa mga gumagamit ng kalikasan. Wag dudugo ang ilong Teh! Kaya natin ipaliwanag yaan…
Ang ibig sabihin nito ay importante ang natural resources ng Pilipinas sa buong planetang earth. Ang mga ibang underdeveloped resources at di pa nadidiskubreng mga natural na yaman ay pinanggagalingan ng mga natural na pangbalanse o pagaayos ng energies worldwide. Obviously may puwang tayo sa isipan at maaaring sa kalooban ni Amang Bathala. Sa dami ng ibinigay Niya na blessings sa ating biodiversity na surely ay may Divine Purpose, di tayo nageeffort mag aral sa ating natural resources. Kanta ng kanta tayo ng Heal The World, Make it A Better Place…e magtanim kaya tayo ng halaman o umakyat tayo sa mga bundok natin, bukod sa healing na din yun mag-aral din tayo ng mga gamit ng makahiya, amorseko, comfrey, etc. Yung mga halaman natin ay bihirang matuunan ng pansin sa mga pagaaral ng mga scientists. Noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, me mga pag-aaral ang mga scientists ng IRRI, Philrice at UP Los Banos ukol sa iba ibang binhi, halaman at pagkain. Importante sa gobyerno niya ang Natural Sciences tulad ng Biological Sciences, Plant Breeding at iba pang malalalim na pageeksperimento para tayo ay umunlad at umasenso. Science-related ito at hindi invisible magic ang ibinigay sa ating blessings, alam ni dating Pangulong Marcos yan.
Subalit nung nagpalit ng gobyerno, inalis ang pondo sa scientific researches. Ang nadevelop ay sangkaterbang rhetorics at mga argumento na wala namang nadevelop na breakthrough para kay Juan Dela Cruz.
Nasan na kaya yung mga genetically modified animals na inaral nila noon para mura ang karne? Nakita ko yun noong araw sa loob ng UPLB. Ang mga Pinoy scientists ay pinondohan ng Taiwan at Vietnam among others at sila ang nakinabang sa talino ng mga Pilipino. Yung mga inaangkat nating bigas ay galing sa pagaaral sa UPLB ng mga eksperto at sa IRRI. Yung nadiskubre ng mga estudyante ng mga Science High Schools na enzymes para sa mga plastic items para gawing biodegradable e asan na? Yung isang Pinay na biosci expert e sumikat naman kasi siya ang malaki ang kontribusyon sa pag-aaral at paggamot ng COVID-19 virus. Yung isang scientist na Pinoy ang nagpalaki ng agrikultura at mga ani sa Taiwan naman kaya napakalakas ng ekonomiya nila. After a few administrations, naging OFW dependent ang economy natin kaya na-mask yung nangyaring panghihina sa mga linyang pangmatagalan. Kunsabagay, dumami lately ang mahuhusay na kalye na importante sa progreso ng bansa.
Sa ngayon ang HYPOPLASIA ng ating ekonomiya ay walang gustong umamin ng pagkukulang or oversight siguro. Sayang ang naumpisahan noon. Sana ang nagdadalaga na ekonomiya ng bansa natin ay isali ang nunal, balat, birthmarks, balahibong pusa, pati tattoo sa mga tinitimbang para lumawig ang kabuhayan ng mga Pinoy. Lahat ng mga natural at potensyal na sources ng development ay iresearch, idevelop at pagyamanin. Pondohan sana ito ng pamahalaan at ng private sector. Mahal ang bilihin sana mag planning tayo ng pangmatagalan. Basta Keep the Faith at maaayos din ang ating pananalapi.