Marites Lang

Ang Global Trade sa Gitna ng Covid 19

Marites Lang Jul 22, 2022
342 Views

Ang palitan ng mga capital, kargamento, produkto o mga commercial goods at mga services tulad ng international transportations,financial services at insurance services, communication technology,engineering at iba pang fields of expertise ang karaniwang covered ng tinatawag na Global Trade o International Trade.

Ito ang lifeline ng mga ekonomiya sa buong mundo. Tandaan nyo ‘to mga Ineng ha at sa business school ay dapat alam nyo ito.

Madaling maunawaan na ang global trade ay ang pagpapalitan ng mga bagay at serbisyo sa pagitan ng dalawang bansa o mahigit pa na may kasamang pagbabayaran ng pera kadalasan (minsan ex deal kasi).

Basta me order na mga produkto o serbisyo from one country to another at nagkabayaran na at me idineliver sa nag-order, sali sa data ng Global Trade yun.

Okey madaling intindihin yung commercial goods at expert’s services.

Sang ayon sa General Agreement on Trade in Services (GATS) sa ilalim ng World Trade Organization (WTO) ay ang mga serbisyong defined na covered ng tinatawag na global trade daw ay
serbisyo na pinagkasunduan ng isang residente ng isang bansa at isang hindi residente, na may kasunduang kabayaran na nakakaapekto sa

Gross Domestic Product (GDP) ng bawat bansa. By textbook definition, ang serbisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na may malaking kontribusyon sa dollar earnings ng ating bansa, ay napaka lakas na source ng domestic income. In fact, mga 11% ng total GDP ang remittance ng OFW’s.

At labor is the primary export of our country.

Kaya in short, hindi tayo masyadong poor if we check closely as an economy. In fact, andaming developments sa bansa kahit may pandemic.

Ngayon naman ay mag check tayo ng trading ng malalaking bansa.

Sabi ng experts ng WTO, ang world merchandise trade volume is expected to grow by 3% in 2022. Ito ay matapos bumaba galing sa 4.7% ng nakaraang taon dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine subalit me uncertainty pa daw.

Sabi pa sa Google ay tataas ang presyo ng mga bilihin by at least 5% sa taong ito. Ano ba ang mga challenges at ganito ang nangyayare? Aside from the obvious na tension sa Europe, sa
diskusyon sa US Congress daw ay sabi nila ang mga dahilan ng mga di maforecast gaano na trade issues ay ang US-China trade challenges, unilateral tariffs at mga exemptions dahil sa free trade agreements at mga preference programs na galling din sa ibang mga trade agreements.

Teka lang naman… nagpapogi sila sa kapepressure sa ibang mga bansa dati na sumunod sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) Valuation System noong Uruguay round na ginawa taong 1986 at integrated ito sa Customs methods and systems na kadalasan ay dahilan kaya ang mga taga customs ay di maintindihan ng mga tao.

Kasi nga 123 countries kasali ang Pilipinas pinilit nyo pasunodin dito… Bright idea ng Amerika at ng Europa ang GATT na nag umpisa ng taong1947 matapos ang World War 2. Ito ay damoves pampulitika at policy making body para maiwasan na ang tension sa mga big countries na dating G8 subalit sinuspinde nila ang Russia noong March 24, 2014 kaya sila ay kilala ngayon bilang G7.

Sa G7 Summit sa Germany this year mapapag usapan ang mga issues sa international trading.

Baka sakali luminaw ang tubig. Pero ang sa akin lang, pagkalaki laking mga bansa ito, hindi magkaintindihan at ang mga maliliit na bansa nagigipit at naiipit sa kanilang mga hindi pagkakaintindihan.

Sana naman ay ayusin nila ang mga policies nila kasi nung ginawa nila yang Uruguay round at talagang napressure kahit ang Pilipinas na ipatupad ang GATT Valuation System sa Customs rules dahil international agreement nga ito.

Yung mga policies na ipinatupad nila tulad ng free trade agreements, lowering of tariffs subject to requirements, preferential treatments etc. siempre medyo nagkaroon ng advantageous positions
silang mga higante kasi alangan namang di sila mapaboran e sila gumawa nyan di ba naman? Pero hindi nila nakita ang Covid19 at ang tension sa Europe na nangyayare ngayon. Nung dumating ang mga problemang ito ay sila ang unang nagka recession.

Paano yan? Ano na namang international policies ang gagawin nila sa Summit nila this year? Siyempre, progress towards an equitable world ang gusto naman pala nila kaya aasahan natin ito: EQUITABILITY na may kasama daw bagong set ng security at defence policy. Ito ay sang ayon sa kanilang mga informations about the G7 Summit na naka publish sa internet. Kas daw the world is facing a code red for humanity dahil sa food crisis nga, sabi nila.

O ayan… may food crisis sa mga pinaka higanteng mga bansa ngayon kaya sila ay ganyan ang mga bitaw ng pananalita.

In all of these dynamics, siempre maingat si Prime Minister Justin Trudeau ng Canada na hindi demokrasya ang gobyerno.

Ang kanilang pamahalaan ay Constitutional Monarchy.

Sa lahat ng higanteng bansa, sila ang Meryl Streep ang drama sa buhay.

Peace and quiet lang ang kanilang existence at mucho dinero. Pero siempre dapat para kausapin ka nila ng matagalan naman ay dapat magaling ang iyong gift of gab at pagka finesse.

Learn from the Canadian polite bigotry na privilege nila kasi ayaw nila ng basta careless whispers lang. Careful moves and language ang culture nila.

Pero kind sila talaga innately.

Kaya kahit G7 sila ay dedma lang sila sa mga nangyayare. Mura ang food doon sa Canada at sobra sobra ang yield nila sa agriculture kaya nag eexport pa sila sa atin ng food. At bukod sa lahat,
kumakain si PM Trudeau ng Jollibee chickenjoy na mostly ay Canadian chicken ang nilulutong manok nila kahit yung nandito sa Pilipinas.

Promise pumila sila PM Trudeau sa Jollibee at nanginain dito Teh! Idol ko siya talaga. At in fairness, nagyoyoga pose siya sa office niya, pag nag iisip siguro ng big decisions nag yoyoga muna. Me disiplina siya.

Parang ayaw ko sabihin sana pero nakita ko minsan nag woworkout si President BBM natin, naiihalintulad ko siya kay Canadian PM Trudeau.

Very calm at disciplined.

Kaya atin atin lang, may tiwala ako sa ating Pangulo na kahit anong mangyari ay tayo ay nasa mabuting direksyon.

Ang pinuno natin at leader ay magaling ang disposisyon, kaya niya ang challenges ngayon sa panahong ito. At sa aking palagay ay temporary ito.

Inuulit ko lilinaw din ang tubig at tayo ay matibay ang pinuno natin kaya no cause for worry, we are good kahit pagod sa kakakayod, masakit man ang gulugod, walang dahilan para malungkot.