Calendar

Ang huling hirit ng Alyansa sa huling araw ng kampanya
MANDALUYONG CITY — Sa huling araw ng kampanya para sa 2025 mid-term elections, inihirit na ng mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) ang huling baraha ng campaign sortie matapos ang 90 araw na pangangampanya sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Isinagawa ng 12 senatorial candidate ng Alyansa o administration ticket ang kanilang huling pangangampanya o miting de avance sa Nueve de Febrero sa kanto ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ang balwarte ni APBP senatorial bet at dating Interior Sec. Benhur Abalos.
Naging kayod-kalabaw at puspusan ang pangangampanya ng mga APBP senatorial candidates kung saan inilatag nila ang kanilang mga programa, plataporma at adbokasiya na isusulong nila sakaling sila ay papalaring mahalal sa Senado pagkatapos ng halalan.
Sabi naman ng campaign manager ng APBP na si Navotas Lone Dist. Rep. Toby Tiangco na sa loob ng siyam-na-pung araw na pangangampanya ng kanilang mga kandidato. Napakalinaw umano ang mensaheng ibinigay ng kanilang mga pambato sa mamamayang Pilipino na nakinig sa kanilang mga talumpati.
“From the first rally in Laoag to the final stage in Mandaluyong City. The message has been the same Filipinos want a Senate that delivers for them. This miting de avance is the final rallying cry of a campaign powered by the people,” sabi ni Tiangco.
Nagpasalamat din si Tiangco sa mga Pilipino, campaign volunteers, local leaders at mga miyembro ng media na sumuporta at naghatid ng balita sa simula pa lamang ng pangangpanya ng koalisyon.
“Sa pagtatapos ng makasaysayang campaign period na ito ay gusto kong pasalamatan ang lahat sa journey na ito. Sa lahat ng volunteers, local leaders, supporters at sa ating mga kababayan na mainit na tumanggap sa amin sa bawat sulok ng ating bansa. Maraming salamat po,” wika pa nito.
Pagbibigay diin pa ni Tiangco na sumentro ang pangangampanya ng Alyansa sa accountability, competence at pagbibigay prioridad sa mga Pilipino na nakalinya sa bisyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
“Naniniwala po kami na nakabuo tayo ng isang bagay na matibay at totoo. Umaasa po kami na sa Mayo 12. Magluluklok ang mga Pilipino ng isang Senado na tutulong kay President Marcos na mai-deliver ang pangako nito sa taongbayan at maisulong pa ang Pilipinas sa kaunlaran,” dagdag pa ni Tiangco.
To God be the Glory