Marites Lang

Ang Hybrid Work Arrangements

Marites Lang Mar 24, 2022
277 Views

MAGANDANG balita na sana na bagamat ang Hongkong at ibang bansa sa Asya ay namomroblema pa rin sa COVID-19, ang Pilipinas ay mukhang nakasalba na ayon sa mga reports.

Meron man na manaka-nakang nagkakasakit pa, pero mas maliit na ang mga figures na nababasa natin. Umayon ang suob, panligong may asin na may mga dahong pangontra sa sakit at wagas na vitamins. Kombinasyon ng traditional at alternative medicine na may halong siyensya ang kalimitang ginagawa ng mga Pinoy kung tatanungin ang mga nagtatrabaho sa mga malls, mga guwardiya at mge empleyado ng gobyerno.

Ang mga pangontra sa sakit na ginagamit ng mga taong gustong ituloy ang paghahanap buhay ay mukhang effective. Syempre, madaming mga halamang pinakuluan ng mga manghihilot ang hindi na binabanggit at nasa Pilipinas tayo kung saan mabilis mag balance ng energies,pero nakatulong kaya nakaahon tayo agad. Ginusto natin lagpasan itong threat na ito, nagawa natin ng matagumpay. Maraming salamat sa ating Pangulo at sa lahat ng tumulong sa gobyerno. Mabilis tayo naka-move on sa issue na ito maski hindi nyo napapansin. At apparently salamat naman nag relax ang maiingay na kritiko. Baka nagkasakit sila (char!).

Success story tayo dito sa COVID-19 in more ways than one kahit madami din ang nasaktan. Marami ang hindi naapektohan at nakaiwas sa sakit na ito. Salamat sa libreng bakuna. In fairness, maganda ang programa ng Pangulo sa puntong ito. Maganda na sana ang istorya ng buhay natin at pwede na mag attend ng mga weddings, binyagan at birthday parties sana. May mga gimikan na naka pencil book na eh biglang me nangyari naman na kagimbal gimbal. Ang horror story ng pagtaas ng presyo ng gasolina ang sumunod na dulot syempre ng tension sa Europe. At dito ay madami ang masasaktan talaga kasi tataas lahat halos pwera na lang siguro ang takong (heels) ng mga sapatos at ang kilay ng mga badidash. Hindi kaya tawasin ang sakit ng ulo sa pagbabudget Teh!

At dahil dito, sabi ng mga manggagawa ay sana ituloy ang work from home (WFH) arrangements. Yung ibang mga kompanya ay mas gusto ang WFH at remote jobs setup kaya me mga FlexJobs’ directory na nauuso maski sa Amerika ito ngayon. Anong gagawin nga naman eh di naman kailangang laging pumasok kung technical work at pwedeng mag-remote functions ang mga empleyado.

Tipid ito sa gastos sa pamasahe, damit, baon at higit sa lahat ay oras. Very practical ito kaya nang mag issue ng statements sina NEDA Chief Karl Kendrick Chua at Energy Secretary Alfonso Cusi na pabor sila gawing four days lamang ang trabaho na may mas mahabang oras ng pasok ay parang maayos na ideya yun. Bagamat dapat ding isipin ang RA 11032 or yung tinatawag na Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act. Ibig sabihin hindi dapat bumagal ang serbisyo sa paglimita sa araw ng pasok. E nagsalita naman ang Civil Service Commission na dapat daw ay hindi ito ihiwalay sa WFH arrangement. Sa ibang opisina maaaring me skeletal force sa ibang araw at me once a week na work from home arrangement ang mga empleyado. Kaya hybrid kasi hindi magsasara ang mga opisina sa regular five day work subalit ang mga empleyado ay apat na araw papasok na hindi sabay sabay para me tao pa din sa mga opisina kung kailangan ng transacting public. Ang ibig sabihin nito ay ang karaniwang FLEXITIME arrangements sa mga opisina ng gobyerno ay ieencourage muli ng Civil Service Commission. Itong setup na ito ay magaan sa mga empleyado na makapamili ng working hours nila at laging bukas ang mga opisina para sa deliverables. Win-win situation ito di ba?

At para hindi mahal ang konsumo ng kuryente, gayahin natin ang ibang industrialized nations sa kanilang strategies para sa efficient energy consumption.

Maaaring mag Daylight Saving Time na dating ginagawa para magtipid ang mga opisina siguro pero me tao pa din sa opisina bagamat naka off ang mga aircon, computers at ibang kagamitan na de kuryente. Pag hindi ginagamit para malimitahan ang konsumo sa enerhiya.

Sa ibang bansa tulad ng Amerika, Canada at Europa ay pangkaraniwan ang Daylight Savings Time meron mang crisis o wala. Eto ay pangsagad sa paggamit ng sunlight sa ilaw ng mga opisina.

Nagaadjust ang mga tao para makatipid sa konsumo ng kuryente. Isineset nila ang orasan ng isang oras paabante tuwing Spring at Summer kasi mas maliwanag ang sikat ang araw at nanghihinayang sila gumamit ng kuryente kung maliwanag. In fact, sa isang batas na ipinapasa sa Amerika, nais nilang gawing permanente ito mula Nobyembre 2023 na gumulat sa kanilang mga senador subalit unanimously ay inaprubahan. Ipinasa nila ito sa kanilang Kongreso at mukhang ito ay susuportahan daw nila.

Dito sa Pilipinas ay pwede itong gawin ding hybrid policy sa kadahilanang laging maliwanag at sikat ang araw dito pwera lang kung me mga bagyo. Maaaring hindi mag-adjust ng oras pero sa taas ng presyo ng kuryente, pwedeng limitahan ang gamit sa ilaw, computers at iba pang dekuryenteng gamit na hindi direktang kailangan para magawa ang basic na functions nila. Magpalit ng mga bombilya ng LED lights at ito ay cost efficient sabi nung natalisod na engineer sa may gate namin kanina naalala ko lang.

At isa pa, if me skeletal force naman sa mga gobyernong opisina na frontline services talaga ang ginagawa e di kahit mag-overtime para makapag deliver ng deliverables na trabaho e matipid pa din sa kuryente. Yung mga opisinang me kinalaman sa peace and order, pag issue ng mga passports at iba pang importanteng papeles at mga opisina ng economic frontliners na hindi dapat nagsasara ay hindi maiisakripisyo ang serbisyo kahit me adjustments sa mga pasok. May mga opisinang hindi kailangan ang aircon, tv, radio, refrigerator at iba pang gamit ng kuryente. Ang computers ay kung kailangan lang saka yun bubuksan. Ang mga cctv naman sa ibang offices ay pwedeng i-limit ang gamit. Sayang kuryente noh!

Hindi kailangang maging mahirap mag trabaho ang mga tao kahit saan kung tayo ay praktikal. Yung mga offsite functions ay ipatrabaho nyo sa mga bahay ng mga empleyado. Ang mga tauhan ay malaking asset ng kahit anong kompanya at ng gobyerno. Makinig tayo sa call of the times. Ang sabi sa higher management concepts dapat ay results oriented tayo. Yung efficiency, production at bilis ng trabaho ay maaayunan ng mga hybrid na sistema ngayon. Hindi tayo dapat hawak sa leeg ng fuel manufacturers at mga kompanyang nagtataas ng presyo kahit anlayo ng Europe sa atin.

Anubey kasi parang sa palagay ko lang ay merong nagsasamantala kasi sa sitwasyon somehow somewhere. Tama ang pamahalaan ngayon sa pagtugon sa situation using hybrid work arrangements. Our response should be very practical di ba?