Vic Reyes

Ang mga layunin sa madugong digmaan sa droga

Vic Reyes Oct 6, 2024
52 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng mga sumusubaybay sa atin diyan sa Japan.

Ate Teresa Yazuki, Mama Aki, Ma Dina Liscano Suzuki, Lovely Pineda Ishii,

Winger dela Cruz, Takaaki Nakata, La Dy Pinky at syempre kay Mr. Hiroshi Katsumata, na patuloy na sumusuporta sa mga kabayan natin diyan sa Japan.

***

Si dating Police Colonel Royina Garma at kasalukuyang Komisyoner ng National Police Commission (NAPOLCOM) na si Edilberto Leonardo ay itinuturong mga mastermind ng mga extrajudicial killings (EJKs) na naganap sa panahon ng dating pangulo Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Sa pagpapatuloy nang gonagawang pagdinig ng QuadCom, sina Garma at Leonardo, ang mga nag-utos umano sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa Davao Penal Colony noong 2016.

Si Royina Garma ay dating hepe ng pulis sa Sta. Ana, Davao City, kung saan marahil nagsimula sng kanyang malapit na relasyon kay Duterte. Naging hepe siya ng pulisya sa Cebu City, at nanungkulan din bilang regional command head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Central Visayas. Si Leonardo naman ay nagsilbing regional director ng CIDG sa Davao City. Dito nagsimula ang pagsasama nina Garma at Leonardo. Isa daw sa mga operasyong ito ay ang pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa Davao Penal Colony.

Nakapanhik umano nang mabilis sina Leonardo at Garma sa ranggo dahil sa kanilang malapit na relasyon kay PRRD. Matapos maging regional director ng Davao City, itinalaga ni Duterte si Leonardo bilang Komisyoner ng NAPOLCOM.

Si Garma naman, bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kahit na mayroon pa siyang natitirang 10 taon sa serbisyo sa puwersa ng pulisya.

Si Garma at Leonardo ngayon ay iniuugnay bilang mastermind ng pagpatay kay dating PCSO Corporate Secretary Wesley Barayuga.

Pinapatay umano ni Garma si Barayuga dahil malapit na daw i-expose ni Barayuga ang mga katiwalian sa loob ng PCSO, na kinabibilangan ng pagkuha ng pera mula sa PCSO upang pondohan ang digmaan laban sa droga. Upang maiwasan ang iskandalo, pinapatay si Barayuga.

Sa mga nakakikilala sa kanya, si Barayuga ay isang mabuti, simple at mapagpakumbabang tao.

Siya daw kailanman ay hindi nasangkot sa droga at namuhay ng simpleng buhay. Kahit na nga daw isang mataas na opisyal sa PCSO, siya ay nagko-commute lamang papasok sa trabaho. Ngunit ang tingin daw noon kay Barayuga nina Garma at Dutetrte ay kalaban. Kaya ginamit ang EJK bilang isang maginhawang dahilan upang isakatuparan ang mga mapaghiganting pagpatay sa kanya.

Pinagkatiwalaan ni PRRD sina Garma at Leonardo bilang kanyang mga katuwang sa pagpapatupad ng kanyang mga plano sa EJK

Ang layunin daw ng digmaan ni Duterte laban sa droga ay may dalawang dahilan – upang patayin ang lahat ng kanyang mga kakumpitensya sa ilegal na kalakalan at upang patayin ang sinumang oposisyon na humaharang sa kanyang daan.

Ang mga kamay nina Leonardo at Garma ay may dungis ng dugo ng hindi mabilang na mga indibidwal na kanilang pinatay, lahat sa pag-asam na makuha ang pabor mula kay PRRD.

Sila ay bulag sa katapatan at sa pekeng pangako ni PRRD na linisin ang Pilipinas mula sa mga problema sa droga.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)