Marites Lang

Ang Mga Peste sa Kabahayan

Marites Lang May 30, 2022
387 Views

ANG Democracy na nakasaad sa ating Saligang Batas ay may kaakibat na malakas at pantay pantay na proteksyon sa mga mamamayan sang-ayon sa Section 11 nito.

Lahat ng Pilipino ay may mga karapatang pantao na pwedeng maenjoy hanggang hindi siya nagiging threat sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. Subalit sa oras na ang sinuman ay umaabot sa puntong nakakasira na siya sa kaayusan ng sosyodad o lipunan, o kaya ay direkta man o hindi ay nagiging banta sa mga institusyon ng gobyerno siya ay may pananagutan na sa ating mga batas. Malinaw din na kahit pa ang kanyang ginagawa ay mukhang legal katulad ng pamamahayag o pagsusulat sa kahit anong medium ng komunikasyon o platform, kapag sinuri ang kanyang ginagawa na nagiging THREAT to society, to peace and order o kaya ay sa karapatan naman ng isang kapwa niya Pilipino, ito ay paglabag din sa mga batas ng ating bansa.

Kaya ang mga masyadong outspoken at reckless magsalita ng walang batayan kahit sa social media ay puede kayong mapaimbestigahan kung kayo ay lumalabag sa karapatan naman ng inyong kapwa Pilipino. Sabi nga uulitin ko, your rights end where mine begin. Kung hindi ninyo gets, itranslate ko: ang Karapatan mo ay hanggang sa puntong hindi ka nakakasakit sa iba. The moment na nakasakit ka na ng iba sa pageenjoy mo sa mga iniisip mo nakarapatan mo, ikaw ay mananagot naman sa batas. Gets mo yun??At kung kayo ay parang kalawang naman na naninira sa kabahayan yung mga sinasabing gumagawa ng GREAT DIVIDE sa ating bansa, kayo ay may pananagutan din sa batas. Kung ang subject na mathematics hindi nalimutang isali ang laws of radicals e yun pa kayang mga dakilang bayaran ng ibang mga negosyante at politiko na may agendang personal na isinusulong ang malimutang isali sa mga batas natin? Yun naman ay kung ang mga ngipin ng batas ang ating aasahang magbigay ng kaayusan sa dynamics ng society. Mababait ang ilang mga nagging pinuno natin at hinahayaan lang yung ibang magpahayag ng saloobin ng mga tao. Subalit dapat ay mabigyan ng edukasyon ang mga tao kung hanggang saan lamang ang kanilang mga karapatan sa pagpapahayag ng saloobin. Ano ba hindi pa ba tayo natuto? Nasaan naman ang respeto ninyo sa proseso at mga batas ng ating bansa?

Isipin nyo ang lamang ni Presidente BBM sa boto ay sobrang laki at mahigit kalahati ng boto niya ang lamang niya kay VP Leni Robredo. Andami pa ding hanash ninyo at di nyo matanggap na minsan ang nagaganap ay siyang nakatakda. Andaming nangyare tulad ng mga name calling ninyo at nung maiproklama ang mga nanalo me mga salita pa kayo na kayong 31 milyon na bumoto sa ating Pangulo na may kadugtong na patutsada. Ibig ninyong sabihin because you did not vote for our President you think you may not recognize him as your leader? Sige kung sakali irerequest natin na ang mga bakuna na dadating e yung mga bumoto lang sa Pangulo ang isasali sa iineksyonan kasi me subsetting kayo ginawa sa mga imagination ninyo. Papayag ba kayo? Nangungutya kayo sa pangako na magmumura ang pagkain sa gobyerno niya, kung sakaling matupad ito type nyo iba ang pricing sa hindi niya supporters? Hindi kayo convinced na puede yung mga nabanggit niya? Yun ba ang dahilan kaya puede kayo magbigay ng mga salitang acrid and uncivilized?

Sige di namin kayo kokontrahin para walang gulo. We respect whatever you say or think but do not be obnoxious and violate our basic rights. Kasi the moment you start doing that we urge those who feel violated by them to submit their complaints to the NBI Cybercrime Division. Lahat ng subersibong salita, mapanirang puri at mga threatening statement/s sa kaayusan ng bansa ay paki screenshot at isubmit sa NBI. We urge all the citizens of this nation to be vigilant about offensive statements that threaten our society if not our government.

At yung mga estudyanteng na-brainwash ng mga kung sino sinong mga radical na grupo, hindi pa kayo nakakapag bigay ng kahit anong tulong sa ating bayan e nagrarampa at humaharumba na kayo sa mga social media at sa mga protesta sa kalye. Hindi ba kayo nahihiya na yung oras na dapat ay nag aaral kayo e yan ang ginagawa ninyo? May kaklase ako ganyan ang ginawa niya sa buhay niya, ngayon ultimo pambayad sa dentista ay hindi niya magawang kitain kasi pinroblema niya ang iniisip niya na problema ng bansa daw kaya di siya nagtrabaho ng maayos para mapabuti niya ang sarili niyang buhay. Ang tanim na gulay ang inaasahang kainin e sa magandang eskwelahan siya pinagsikapang pagaralin ng magulang niya? Ano bang pangangatwiran yang galit siya sa Martial Law kaya siya nakibaka. Matagal ng wala ang martial law nasa kalye pa din sya at sira sira na ngipin niya hindi magpa dentist. Sigurado ako unhappy si misis niya. Eto siya, pinagaral ng magulang e nagpakakaliwa. Isa siyang mahirap na sira ang ngipin at hindi sanay kumain ng lechon ni Rico. Dapat huwag siyang pamarisan.

Tapos he will blame the government and other people for the ails of society. Eh ang maintenance meds ni misis hindi niya maprovide pinoproblema niya yung imaginary issues na ni hindi niya kaya bigyan ng solusyon. At dagdag pa siya sa traffic ng Maynila. Isa siyang halimbawa ng isang nalilitong nilalang. Ang sabi ni dating US President JFK “ask not what your country can do for you, instead ask what you can do for your country”. In short, tumulong ka at huwag puro hanash. Hindi pagtulong ang pagpoprotesta at pagkakalat ng negatron sa social media. At hindi din solusyon ang magprotesta sa kalye. Be a solution and not a problem Teh!

Ngayon kung talaga lang na hindi ninyo feel ang mga nanalo na pinuno natin sa eleksyon. Me choice kayo lagi. Puedeng mag apply sa ibang bansa ng scholarship kung uubra naman ang brain power. Puede din na mag migrate naman at baka mas feel ninyo ang health program sa ibang bansa. Subalit pag humara hara kayo sa kalye sa kadiliman, maaari kayong mabaril sa ibang bansa ng walang laban. O kaya ay malait at makakaranas ng racism na idinedeny subalit nandiyan pa din. Sige doon ka magkalat kalat sa kalye at ng makita mo ang hinahanap mo.

Mga tipong ganyan ang solusyon na dapat isipin at gawin para umasenso naman ang iyong state of being. Bago mo problemahin ang state of the nation unahin mo ang buhay mo at ang pamilya mo. Oh siya me nakita ako imbitasyon dito baka gusto ninyo pumunta doon at mag-observe din. Option din yan.