Louis Biraogo

Ang pagbabalik ng makabayang mga proyektong Marcos

575 Views

SI Bongbong Marcos (BBM), ang patuloy na nangungunang kandidato ayon sa lahat ng pananaliksik sa pulso ng mga botante (voters’ preference survey), ay gumamawa ng pahayag kamakailan na kinagigiliwan ng kanyang mga tagasunod, kasama na dito yung mga nag-aalinlangan pa sa pagpili ng kanilang ibototo sa darating na halalan.

Inanunsyo ni BBM na kung siya’y papalaring magwagi sa darating na halalan, bubuhayin niya muli ang marami sa mga makataong proyekto ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Isa sa mga proyekto na tinutukoy ni BBM ay ang pagpapatayo ng karagdagang mga ospital at mga pagamutan sa iba’t ibang lugar, lalo na sa mga liblib na sulok ng Pilipinas.

Sa panahon ng pamamahala ni dating Pangulong Marcos, itinatag niya ang maraming pampublikong ospital na nanatiling gumagana hanggang sa kasalukuyan. Kasama sa mga ospital na iyon ay ang Philippine Heart Center, Lung Center, Kidney Center, at ang Children’s Hospital sa Quezon City. Ang mga ospital na ito ay nagligtas ng maraming buhay sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 kamakailan lang.

Nagtatag din si Pangulong Marcos ng karagdagang gusali sa Philippine General Hostal ang mataas na gusali sa likod ng lumang gusali, at ang pagsasaayos ng Veterans Memorial Hospital, V. Luna Medical Center, at ng East Avenue Medical Center.

Pinaplano rin ni BBM na buhayin ang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS), na pabahay na proyekto para sa mga pamilyang Pilipino na mababa ang kita, na sinimulan ng kanyang ama noong mga taon ng 1980. Ang mga matitibay na gusali na iyon ay nakikitang nakatayo pa rin sa maraminng bahagi ng Metro Manila.

Gayun din, plano ni BBM na ibalik ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na nilikha ng kanyang ama noong Octobre ng taong 1984. Ang OPSF ay kumulekta ng iilang sentimo sa bawat litro ng gasolina o diesel na panggatong (fuel) sa bawat pagbili sa mga gasolinahan. Ang pondong iyon ay sumisipsip ng anumang pagtaas sa presyo ng langis sa pangdaigdigang pamilihan o merkado. Ang kaayusang ito ay nagpapatatag sa presyo ng gasolina at diesel sa bansa.

Noong taong 1994, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Fidel Ramos, inalis ng Kongreso ang OPSF. Dahil dito, ang Pilipinong mamimili ay nasa awa ng pagbabagu-bago ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Tama si BBM. Dapat buhayin muli ang OPSF. Tulad ng nakita na noon ni Pangulong Marcos, ang OPSF ay malubhang kinakailangan ng Pilipinong mamimili.

Ang patuloy ng pagtaas ng pangangailangan ng publiko ng elektrisidad sa Pilipinas ay tinugunan din ni Pangulong Marcos.

Malaki ang bahagi ng inaangkat na langis na galing sa ibang bansa sa kabuuhang panggatong ng kuryente sa Pilipinas. Samakatuwid, nakasalalay ng malaki ang halaga ng kuryente sa presyo ng langis na inaangkat sa ibang bansa.

Upang hindi gaanong mapinsala ang Pilipinas sa pabagu-bagong presyo ng langis sa pangdaigdigang pamilihan, sinimulan ni Pangulong Marcos ang pagpapatayo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na pagmumulan ng mura pa-kuryente.

Ngunit sa pang-uudyok ng mga lokal na komunista, natigil ang pagpapa-andar ng BNPP dulot ng mga protesta hinggil sa kaligtasang pampubliko nito hanggang nangyari ang pag-aalsa noong Pebrero ng 1986 kung saan naagaw ni Corazon Cojuangco Aquino ang kapangyarihan ng pamahalaan kay Pangulong Marcos. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino, ang BNPP ay tuluyang binuwag.

Paglipas ng apatnapu’t tatlong taon pagkatapos binuwag ang BNPP, lahat ng mga isyu hinggil sa kaligtasan na inilabas ng mga komunistang lokal laban sa BNPP ay napatunayang walang basehan.

Ngunit, heto ang nakakalungkot.

Kung ang BNPP ay pinahintulutang gumana, ang binabayaran ng bawat pangkaraniwang sambahayan sa bansa ay maaaring 90% na mas mura mula noong taong 1986.

Ngayon, pakinggan natin ang mabuting balita.

Ang sabi ni BBM ay mag-uutos siya ng isang pag-aaral upang suriin ang pagpapa-ayos, pagpapatas ng kalidad, at ang tuluyang pagpapa-andar ng BNPP, sa hangaring mapapababa ang halaga ng kuryente dito sa Pilipinas na hindi na kompromiso ang kaligtasaan ng publiko.

Ang patubig ay isa pang alalahanin na tinugunan ng yumaong Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, si Pangulong Marcos ay nakapagtalaga ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija; ng Magat Dam sa Cagayan; at ng Angat Dam sa Bulacan. Gumawa rin siya ng marami pang proyektong patubig sa dakong Visayas at Mindanao.

Dahil sa mga dam na iyon at mga proyektong patubig, ang produktibidad ng agrikultura sa Pilipinas ay nasa kataas-taasang antas, at ang panustos ng maiinom na tubig sa bansa tuwing tag-init ay hindi kailanman nasa panganib noong administrasyon ni Pangulong Marcos.

Gagawa din si BBM ng mga hakbang upang masegurado na ang panustos ng tubig sa bansa ay hindi na magiging alalahanin ng mga Pilipino.

Nanatiling hadlang ang komunismo sa pag-unlad sa Pilipinas.

Ang walang-diyos na ideolohiyang ito ay nagtataguyod ng terorismo, kahirapan, at panlipunang alitan sa ating mga mamamayan.

Muntik na magtagumpay ang mga komunista na sakupin ang Pilipias noong 1973, ngunit nadiskaril ng batas militar sa ilalaim ni Pangulong Marcos naproklama noong 1973 ang masamang balak na iyon ng mga pula.

Nakikita ng mga komunista na ang walang-kakayahan, mahina, mapanlinlang at mapang-guniguning Leni Robredo ay ang kanilang pag-asa para magpatuloy ang kanilang walang kabuluhang kilusan. Ito ang dahilan kaya sila sumusuporta sa pagtakbo ni Robredo sa pagka-pangulo. Kung mananalo si Robredo, hindi lamang mananatiling buhay ang komunismo dito sa bansa, kundi ang mga walang kinikilalang Diyos na mga komunista ay magkakaroon ng malakas ng impluwensa sa pamahalaan.

Para sa mga botante, isa itong pagpipili ng pagpapatuloy ng makatao na mga proyekto sa ilalim ni BBM, o isang maka-komunistang pamahalaan sa ilalim ni Robredo.

Sa aking pananaw, si BBM ang karapat-dapat na piliin ng mga botante.