PBBM Source: Bongbong Marcos FB 3 kasunduan na nilagdaan ni PBBM sa Australia nakasentro sa strategic partnership

Ang pagdating ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Canberra, Australia

Chona Yu Feb 28, 2024
155 Views

MAY tatlong kasunduan na nilagdaan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Canberra, Australia.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakasentro sa strategic partnership ang kasunduan.

“I will also have the opportunity to expand our wide-ranging cooperation with Australia through the formalization and signing of three (3) agreements,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Collaboration in these additional fields is a clear indication that the Strategic Partnership which we have embarked upon provides greater energy and optimism for closer cooperation that is mutually beneficial to both Filipinos and Australians,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang Filipinong lider na nagsalita sa Australian Parliament.

“Our engagement in the Parliament will also feature conversations with Australia’s legislative leadership who are vital partners in ensuring a favorable and enabling policy to our relations to continue its upward trajectory,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinalakay din ni Pangulong Marcos ang usapin sa Maritime Cooperative Activity pati na ang pagpapalakas sa bilateral relations sa Comprehensive Partnership in 2015.

Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga Australian senior officials para talakayin ang defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.

Pinaunlakan ni Pangulong Marcos ang imbitasyon ni Governor-General David Hurley na bumisita sa Australia.

Kasama ni Pangulong Marcos sa Australia si First Lady Liza Marcos.