Calendar

Ang sports ay usapin ng pagkakaisa, disiplina at pag-asa
ANTIPOLO CITY, RIZAL — Bilang dating Eight-Division World boxing champion, para kay Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao, ang larangan ng sports ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon o panalo kundi ito ay isyu ng pagkakaisa, disiplina at pag-asa.
Ito ang nilalaman ng mensahe ng tinaguriang “The People’s Champ” matapos itong maging panauhing pandangal sa selebrasyon ng International Day of Sports for Development and Peace.
Winika ni Pacquiao sa kaniyang talumpati na isang malaking karangalan para sa kaniya na maanyayahan at magbigay ng kaniyang mensahe sa pagsisimula ng annual United Nations Games kaugnay sa nabanggit na selebrasyon na naglalayong isulong ang sports development tungo sa pagtatamo ng kapayapaan.
Sabi din ng dating senador na siya ay isang buhay na testamento tungkol sa pagsusulong ng sports development kung saan muli nitong ibinahagi ang kaniyang dating buhay at karanasan na nagmula sa kahirapan. Wala siyang koneksiyon, walang pera at mabigat ang pinagdaanan bago umano niya natamo ang tagumpay sa larangan ng boxing.
‘I am living proof of this. I came from poverty. I had no connections, no money, no easy path. But boxing gave me a chance. Through sports, I found purpose, discipline, and a platform to serve my counrty and inspire others,” sabi nito.
Pagdidiin pa ni Pacquiao na sa tuwing siya ay tutuntong sa boxing ring, siya ay hindi umano basta lumalaban para sa titulo. Bagkos, ang kaniyang bawat laban ay para sa lahat ng mga Pilipino.
Ayon kay Pacquiao, nasaksihan nito kung papaanong nagkakaisa ang bawat Pilipino sa tuwing siya ay mayroong laban. Kung saan, tahimik ang mga kalsada, walang karahasan at sama-samang nanonood ang magpa-pamilya.
“Every time I stepped into the ring, I didn’t just fight for a title. I fought for my people. And I witnessed how my fights brought the whole country together. Streets became quiet. No crimes. No violence. Just families, neighbors and even strangers watching together united as one,” dagdag pa ni Pacquiao.
Kasabay nito, hinihikayat ni Pacquiao ang United Nations (UN) na panatilihin ang paggamit sa sports bilang instrumento ng kapayapaan upang magkaisa ang bawat tao sa buong mundo.