ka louie

Ang “Value Chain” sa Agrikultura at Sa Mga Mga Negosyo ng Pagkain

Ka Louie Aug 5, 2022
415 Views

Ang “value chain” sa agrikultura ay nagpapakita ng buong hanay ng mga aktibidad at proseso na ginagawa ng mga negosyo sa isang partikular na industriya gaya ng pagsasaka, pagproseso ng pagkain, pagtitinda ng mga prutas at gulay at iba pa. Kasama rin dito ang paghahatid ng produkto o serbisyo sa mga mga mamimili o sa mga mga gumagamit ng produkto.

Nalilikha ang halaga at nagkakaroon rin ng mga gastusin sa bawat yugto ng “value chain”. Sabihin natin na ang isang restawran ay naglalayong patuloy na magbigay ng masarap at mas mababang presyo ng pagkain sa mga mamimili. Paano nito gagamitin ang kaalaman tungkol sa “value chain”? Ating suriin.

Magsisimula ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa halaga ng gastos ng mga aktibidad na ginagawa nito mula sa pagkuha ng materyales na gagamitin sa pagluto ng mga pagkain, gastos mismo sa pagluluto katulad ng babayarin sa mga tagapagluto, at gastos sa pamamahagi at pagbebenta, bukod sa iba pa. Pagkatapos, kakalkulahin ng may-ari o namamahala ng restawran ang halaga ng kikitain nito. Kapag sapat ang halaga ng tutubuin, mas malaki ang kikitain kaysa sa mga magagastos.

Maari rin gamitin ng mga magsasaka ang kaalaman tungkol sa “value chain”. Paano? Ipapakita ng “value chain” sa mga magsasaka kung paano magdagdag ng halaga sa mga produktong sakahan.

Sa antas ng sakahan, ang napapanahong pag-aani, wastong pagpapatuyo, pag-uuri, at paglilinis ng mga inani ay mga paunang paraan ng pagdaragdag ng halaga. Kapag sapat ang halaga ng tutubuin, mas malaki ang kikitain kaysa sa mga magagastos sa pagsasagawa ng mga post-harvest na aktibidad na ito. Ang mga mamimili ay may posibilidad na magbayad ng mas mataas na presyo para sa mga ani na malinis at may magandang kalidad.

Ang ibang mga bansa ay mayroong Fairtrade-certified farmer groups. Ano ba itong Fairtrade? Ang Fairtrade ay isang sistema ng sertipikasyon na nagbibigay-daan sa mga grupo ng mga magsasaka at agri-entrepreneurs na makakuha ng mas magandang presyo para sa kanilang mga ani at produktong agrikultural. Ginagamit nito ang kaalaman tungkol sa “value chain”. Ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong kumpanya, pamahalaan, at mga institusyong pananaliksik, bukod sa iba pa. Makakakuha ng mga magsasaka na sertipikado ng Fairtrade ang mga benepisyong nauugnay sa mga “safety net” sa presyo ng sakahan. Ang pagpapatupad ng disenteng kondisyon sa pagtatrabaho ay ibinibigay rin sa mga magsasaka at manggagawang agrikultura. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa kinatawan ng Department of Agriculture sa iyong lugar.