Calendar
Angara babaguhin inilatag na Matatag Curriculum ni VP Sara
BABAGUHIN ni Education Secretary Sonny Angara ang inilatag na Matatag Curriculum ni Vice President Sara Duterte.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Angara na maraming guro ang nagrereklamo sa Matatag Curriculum.
“Mayroon tayong inisyu na department order diyan setting for the curriculum pero marami na rin kaming komento na nari-receive diyan. So, magiging sensitibo naman tayo diyan sa mga comments,” pahayag ni Angara.
Ipinatupad ang Matatag Curriculum o ang revised basic education curriculum sa kindergarten, Grade 1, Grade 4, at Grade 7 ngayong taon.
Nakasentro ito sa foundational subjects gaya ng language, reading and literacy, mathematics, nationalism, at good manners and right conduct.
Kabilang sa sentimyento ng mga guro ang overloaded na schedule.
“Minsan sabi nila, dikit-dikit masyado iyong subjects; masyadong mabilis iyong subject, 45 minutes; some are suggesting six one-hour classes rather than eight 45-minute classes,” pahayag ni Angara.
“So, we’re studying these kasi it’s not easy rin to match the teachers eh – medyo mahirap din iyong human resource aspect niya. But kami, nakikinig kami and whatever the consensus is, we’ll try to adapt the recommendations going forward ‘no, kung maganda iyong rekomendasyon,” dagdag ni Angara.