Angeli

Angeli nasasaktan sa natatanggap na indecent proposals

Aster A Amoyo May 3, 2024
112 Views

KILALA sa paggawa ng sexy films ang Vivamax Queen na si Angeli Khang. Inamin niya na nakatatanggap siya ng indecent proposals, at hindi niya maiwasan na masaktan.

“Yes ang dami po, ang daming nagcha-chat sa akin sa Instagram. Tapos maraming beses na nagme-message ‘yung iba kong friends, tine-text daw sila sa Telegram. Tapos meron pang mga nagba-viral,” paglalahad ni Angeli sa “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Dagdag pa ng sexy star: “Up until now, parang naaapektuhan rin ako kasi minsan iniisip ko, wala naman akong ginagawa. Alam ko sa sarili ko na I took my mom’s advice. Isinapuso ko po talaga ‘yung advice na wala akong tatapakan na tao, mahal ko ‘yung ginagawa ko,” pagpapatuloy niya.

Inilahad ni Angeli na nasasaktan siya sa ginagawa ng ilang tao dahil sa kanilang pananaw tungkol sa kaniyang propesyon.

“Kaya po kapag may nakikita akong gano’ng mga issue, nasasaktan ako, dahil ba nagsimula ako sa ganitong career, kaya ‘yan ginagawa ng mga tao? O marami ba talagang nagseselos sa mga asawa at jowa nila?”

Natuto raw si Angeli na huwag nang pansinIn ang mga proposal.

“At first nire-reply-an ko po na, ‘Sorry hindi po ako nagga-ganyan, I don’t do that.’ Pero ngayon, hindi ko na sila nire-reply-an kasi nga paulit-ulit na lang.

“Tsaka kung alam lang nila kung magkano ‘yung nakukuha ng mga artist na ginagawa ang films na gano’n, siguro walang magkaka-issue na may indecent proposals na ganyan.

“But kahit naman po ganu’n ang nakukuha ng artists, I think depende pa rin sa individuals kung paano nila ite-take ‘yun, I think.”

Napapanood si Angeli bilang si Nimfa sa GMA Prime series na “Black Rider.”

Pokwang di naghihintay ng tulong sa anak

GAYA ng ibang netizens at celebrity, inilahad din ng Kapuso star na si Pokwang ang kanyang pananaw tungkol sa usapin kung responsibilidad ba ng anak na tulungan ang kanilang magulang kapag matanda na.

Para kay Pokwang, hindi reponsibilidad ng anak na tulungan ang kanyang mga magulang kung matatanda na ang mga ito.

Sa kanyang Instagram stories, sinimulan ni Pokwang ang tanong ng: “Responsibilidad ba ng anak na tulungan ang kanilang magulang kapag sila ay matanda na?”

“Para sakin, NO! Basta ayusin lang nila buhay nila at itaguyod ang mga anak nila nang maayos, masaya na ako,” paliwanag ng TiktoClock host.

JC ipinagpapatuloy pangarap ng amang si April Boy

MASAYA si JC Regino na natutupad niya ang pangarap para sa kanya ng amang si April Boy Regino na magpatuloy sa musika.

Kuwento ni JC, ang amang si April Boy ang nag-“push” sa kanya na bumalik sa musika bago pa man ito pumanaw. Pag-amin ng singer-songwriter, huminto na siya noon sa pagkanta noong nasa U.S. para magtrabaho.

Ipinagpapasalamat ni JC sa kanyang ama na nagturo sa kanya ng musika at nagtulak sa kanya na huwag itong sukuan.

“Nagpapasalamat ako kay dad na nagpu-push sa akin na magpatuloy sa musika. Kasi noong una give up na ako. Ang lahat naman ng dumadaloy sa dugo ko about sa music dahil galing po iyon kay dad. Kasi bata pa lang ako nakikita ko na s’ya.

“So lahat po ng dumadaloy na musika sa akin–mula sa paggigitara, pagsusulat, at paghawak ng mikropono, galing po sa daddy ko, kay April Boy Regino. Kung saan naipagpatuloy ko ‘yung talent at nahaluan ko rin po ng sarili kong estilo. Katulad nitong ‘Wala Na’ makikita n’yo po riyan kung paano ‘yung ibang style ko po ng pagsusulat ng kanta.”

Ang “Wala Na” ang unang heartbreak song ni JC Regino sa GMA Music, na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital music platforms.