Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Angelica

Angelica araw-araw pa ring iniiyak pagpanaw ng ina

Vinia Vivar Oct 6, 2024
5 Views

Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang latest Instagram post na araw-araw pa rin siyang umiiyak. Hindi man niya sinabi kung bakit, obvious na dahil ito sa pagpanaw ng kanyang inang si Mommy Ebela nitong nakaraang Agosto.

Kaya nga raw dahil sa nangyari ay talagang naisip din nila ang kanilang kalusugan.

“Pagkatapos ng mga biglaan at hindi inaasahang pangyayari sa pamilya namin, hindi namin maiwasang maisip ang health namin. At literal kakaiyak ko ng halos araw araw, para bang kung ano ano na naramdaman ko sa katawan ko,” saad ni Angelica.

Payo nga niya sa kanyang mga follower, mabuti na ang maging praning sa health at unahin muna ang pagpapa-check up lalo na kung may mga nararamdaman sa katawan.

“Siguro pag dating sa health mabuti na ang maging praning at unahan na ang mga nararamdaman bago pa umabot sa hindi na natin masolusyunan,” anang aktres.

Sa mga larawang ipinost ni Angelica ay makikitang nagpapa-check-up sila ng mister na si Gregg Homan sa isang health clinic.