Angelica

Angelica, nag-emote sa laki ng binayarang tax sa online purchase

Vinia Vivar Mar 17, 2022
287 Views

Idinaan ni Angelica Panganiban sa Twitter ang kanyang hinaing sa Bureau of Customs na humihingi umano ng malaking tax sa mga item na ipinapadala mula sa ibang bansa.

“Guys, please enlighten me honest question ito. Ano ang basehan ng customs sa pag tax ng item mo? Bakit mag kasing halaga na ang tax na pinabayaran sakin at ng item na wala naman silang hinihinging resibo para malaman ang presyo ng item?” ang tanong ni Angelica sa Twitter.

May sumagot na netizen ng, “depending on the declared value of the sender. if its an online purchase, they required online stores to attach a copy of amount declaration on the package na po.”

Sinagot naman ito ni Angelica. Aniya ay nagulat siya sa laki ng siningil sa kanya.

“Yun nga dapat diba? Wala naman nakalagay from seller. Hindi din sila tumawag sakin. (Na usually naman nangyayari, then ipapadala ko sa kanila yung screenshot ng binayaran ko online) this time, nagulat na lang ako sa laki ng pinabayaran sakin,” sagot ni Angelica.

Sa huli ay muling nag-tweet ang aktres at sinabing wala rin siyang nagawa kundi bayaran ang malaking singil ng tax sa kanya.

Ipinahayag din niya ang pagsisisi na bumili pa siya sa online.

“Salamat sa mga reponses ninyo. Nakakapng hinayang lang na wala akong choice kundi bayaran yung singil nila. Kung alam ko lang na 70% yung babayaran kong tax sa customs. D na ko bumili online,” pahayag ni Angelica.

Na-shock din ang netizens sa 70% tax na hiningi sa kanya at komento nila ay hindi dapat ganito kalaki.

MGA POLITIKONG MANLILIGAW, BASTED LAHAT KAY ALICE

Aminado si Alice Dixson na marami ring nanligaw sa kanyang politiko noon pero wala raw siyang natipuhan sa mga ito.

Natanong kasi sa aktres kung hindi ba niya naisip na maging First Lady noon since ang karakter niya sa seryeng First Lady ng GMA-7 ay ex-girlfriend ng Presidente na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

As we all know, bago naging artista si Alice ay isa siyang beauty queen.

“Mayroong mga nanligaw (na politiko) pero hindi ko sila type. And to be First Lady, hindi ko naman ‘yan naisip.

“There are a lot of, let’s say, a lot of, hindi naman a lot, there were some suitors that were on the political side but wala talaga akong na-type-an,” sey ni Alice sa panayam ng GMA-7.