Angelica

Angelica, non-showbiz hubby nag-beach wedding

Aster A Amoyo Apr 21, 2024
114 Views

PicAngelica1KAHIT nagpakasal na in a simple civil wedding rites in Los Angeles, California, USA ang mag-asawang Angelica Panganiban and her non-showbiz husband na si Gregg Homan nung December 31, 2023, nag-desisyon ang couple na magkaroon ng beach wedding para mas marami sa kanilang malalapit na kaibigan and respective families ang makadalo. Kaya nung nakaraang Sabado, April 20, 2024 ay muling nagpakasal ang dalawa sa isang beach wedding na ginanap sa Siargao Island. A night before the wedding ay nag-host ang couple ng dinner para sa kanilang mga kaibigang dumalo na kinabibilangan ng ABS-CBN president & CEO na si Carlo Katigbak, Cherry Pie Picache (na malaki ang naging papel kung bakit nagkakilala sina Angel at Gregg), Anne Curtis, Judy Ann Santos-Agoncillo and husband Ryan Agoncillo, Agot Isidro, Glaiza de Castro (na siyang tumayong maid of honor), Kim Chiu, Bela Padilla, John Prats, among others. Siyempre, naroon ang kanilang one-year-old daughter na si Amila Sabine (Baby Bean) na tumayong flower girl.

Five days before the beach wedding, a bridal shower was hosted by Dr. Aivee Teo and. Dr. Z’Shen of The Aivee Clinic na ginanap sa A Institute in BGC, Taguig City na dinaluhan ng adoptive mother ni Angelica na si Annabelle Panganiban and sister Arlene Aquino kasama ang kanyang two daughters na sina Abby at Alyanna.

Sina Angelica at Gregg ay nagkakakilala thru actress Cherry Pie Picache habang sila’y nagte-taping non ng TV drama series na “Walang Hanggang Paalam” in Subic kung saan naka-base si Gregg and his business. Yung simpleng introduction sa pagitan ng dalawa led to them becoming a couple.

It was on January 1, 2021 when Angelica shared her picture on Instagram kissing an unidentified foreign guy. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga sweet photos na sini-share ng Kapamilya actress together with the guy who was later identified as Gregg Homan, a Filipino-Australian based in Subic, Zambales

It was on March 20, 2022 when the couple revealed that Angelica was pregnant sa kanilang magiging first baby and on September 20, 2022 ay isinilang si Amila Sabine na sinundan ng kanilang engagement on October 8, 2022 habang nagbabakasyon sa isang island ang couple.

May ilang beses ding naurong ang planong pagpapakasal ng dalawa until they decided to fly to Los Angeles, California sa katapusan ng December of 2023 kung saan sila unang nagpakasal. This was witnessed by Angelica’s good friends na sina Kim Chiu at Bela Padilla na nagkaroon ng pagkakataong madalaw ang isa pa nilang friend na may sakit, si Kris Aquino in Orange County, California.

Si Kim ay galing Maynila habang si Bela ay galing London kung saan ito naka-base ngayon.

Hindi malinaw kung dumalo sa US wedding nina Angelica at Gregg ang biological father ni Angelica, ang American retired navy na si Mark David Charlson na nakilala lamang ng actress in 2010 sa L.A. when she was 24 years old.

Bago nakilala ni Angelica si Gregg ay hindi ikinaila ng aktres na gustong-gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya at anak noon matapos mag-fail ang balikan nila ng kanyang ex-boyfriend, ang actor na si Carlo Aquino na siyang unang nobyo ng aktres na sinundan nina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Ang mag-asawang Angelica at Gregg have their own content on YouTube channel na pinamagatang “The Homans” which they launched on May 23, 2022.

Samantala, matagal-tagal na ring hindi binabalikan ni Angelica ang kanyang acting career dahil naka-focus ang kanyang attention sa kanyang family life. She’s a hands-on wife to Gregg and mother to their daughter na si Baby Bean na at an early age ay may sign na na ito’y magsu-showbiz someday tulad ng kanyang celebrity mom.

Ang mag-asawang Angelica at Gregg ay parehong hands-on parents kay Baby Bean.

Gaganap sa film bio ni Gringo wala pa

KAMAKAILAN ay humarap sa entertainment media and vloggers ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio, ang dating senador na si Gringo Honasan at dating congressman, former cabinet secretary and businessman na si Mike Defensor. Naroon din ang isa pang movie producer na si Baby Go at ang businessman na si Louie Gamboa at ang mga bagong contract talents ng Borracho Films na pinamumunuan naman ng talent development director na si Dennis Arce.

Sa nasabing okasyon ay in-announce ni Atty. Topacio na nakatakdang isapelikula ang buhay ng dating senador na si Gringo Honasan with Mike Defensor as executive producer.

Although lumutang ang pangalan ng mahusay na actor na si Jake Cuenca to play the title role, wala pa umano silang final decision as to who will portray the role of the former senator. Ipinauubaya naman ni Sen. Gringo sa bumubuo ng Borracho kung sino ang kanilang napupusuan to play his role maging ang bubuo ng cast.

In the meantime, naghihintay na lamang ng playdate ang pelikulang “Spring in Praque na pinagbidahan nina Paolo Gumabao at Czech Republic actress na si

Sara Sandeva at pinamahalaan ni Lester Dimaranan na siya ring nagdirek ng 2023 MMMF movie ng Borracho Films, ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” na pinagbidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Claudine Barretto among others. Nakatakda ring simulan ng Borracho Films ang “One Dinner A Week,” isang romantic drama kung saan ang tampok na mga bituin ay sina Edu Manzano at Ritz Azul. Ito’y labas pa sa political thriller na “Pain” ni Troy Espiritu at isa pang romantic drama na “To the Moon” na sinulat naman ni Eric Ramos na siya ring sumulat ng “Mamasapano: Now It Can Be Told”.

Ayon ay Atty. Topacio, marami pa umano silang ibang project na naghihintay lamang na ma-finalize ang casting at sisimulan na rin umano nila ito.

Nasa pangangalaga na rin ng Borracho Films ang isa sa 18 anak ng dating action star, ang actor na si Jeric Raval na si Sean Raval na replica ng kanyang amang si Jeric.

Chavit maraming balak para sa local entertainment

NAG-HOST the sumptuous dinner ang controversial businessman and former politician na si Ilocos Sur former governor Chavit Singson sa mga officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na nasa likod ng award-giving body na The EDDYs na pinamumunuan this year ni Salve Asis. Ito’y ginanap sa magarang tahanan nito sa Corinthian Gardens nung nakaraang Sabado ng gabi.

Ibinahagi ng successful businessman ang marami niyang magagandang plano at kasama na rito ang pagpu-produce at pagku-co-produce ng mga local and international productions. He will co-produce the new season (TV series) ng “Vagabond” in South Korea na gusto niyang dito sa Pilipinas kunan para ma-promote ang Pilipinas.

Bukas din ang dating politician na pasukin ang pagpu-produce ng pelikula and concerts sa Pilipinas featuring Korean and Filipino stars.

Since may mga negosyo si Gov. Chavit in South Korea at marami siyang mga Korean friends na nasa entertainment business, madali na sa kanya ang dalhin ang mga ito sa Pilipinas. Ang Korean superstar na si Lee Seung-gi ay malapit na kaibigan ng dating gobernador na makailang beses na rin niyang naging bisita sa kanyang malapalasyong Balauarte at Narvacan mansions.

Ngayon, Sunday, ay lumipad si Gov. Chavit patungong South Korea kasama ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.