Louis Biraogo

Año: Ang ‘komandanteng senturyon’ na nag-aalaga ng ating Republika

210 Views

SA mga dagundung ng di-pagkakaunawaan, ang Kalihim ng Pambansang Seguridad na si Kalihim Eduardo Año ay lumitaw na parang modernong Romanong senturyon, maalagang nagbabantay laban sa nagbabadyang panganib sa integridad ng ating Republika. Ang panawagan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte para sa pagsasarili ay nagdulot ng panganib sa Pilipinas, at si Año, na may matibay na determinasyon, ay sumusumpang ipagtatanggol ang soberanya at pagkakaisa na nagtatakda sa ating Republika.

Si Año, isang beteranong komandante na dating namuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, ay nagtataguyod ng matibay na puwersa laban sa anumang pagtatangkang gapiin ang ating Republika. Ang kanyang pahayag ay kumakalampag tulad din ng ingay na naririnig sa baluting kasuotan ng isang senturyon, na nag-aanunsyo na ang gobyerno ay hindi mag-aatubiling gamitin ang kanyang awtoridad upang pigilan ang mga ganitong pagtatangka.

Tulad ng Romanong senturyon na nagtatanggol sa mga hangganan ng imperyo, binibigyang-diin ni Año ang kahalagahan ng pambansang pagkakaisa, seguridad, at kahusayan. Ang kanyang mga salita ay nagsisilbing sigaw ng pagkakaisa, na nag-uudyok sa mga Pilipino na tanggihan ang anumang panawagang paghihiwalay at magsama-sama sa ilalim ng mga prinsipyong nakaukit sa ating Saligang Batas. Nagbabala si Año na ang ating lakas ay nakatutok sa pagkakaisa, at anumang pagtatangkang maghasik ng paghihiwalay ay dapat na tuwirang tanggihan ng lahat ng sektor.

Si Duterte, dating lider ng ating bansa, ngayo’y lumilitaw bilang pinakamasamang banta sa ating seguridad. Ang kanyang panukala na paghiwalayin ang Mindanao mula sa Pilipinas, na parang nagbabadyang multo, ay nagbabanta sa mga prinsipyo ng demokrasya at teritoryal na integridad. Ang paninindigan ni Año, na nahahalintulad pagbabantay ng isang sentuyion laban sa isang taksil na kaaway, ay nagpapahayag ng kahalagahan ng sandaling ito sa kasaysayan ng ating bansa.

Ang mga lider ng Mindanao, na natatanaw ang delikadong landas na itinuro ni Duterte, ay nagtaas ng boses laban sa paghihiwalay. Ang mga gobernador na sina Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Datu Pax Ali Mangudadatu ay nagiging mga ilaw ng pagkakaisa, na tinatanggihan ang ideya na ang pagkakabahagi ang sagot sa mga suliranin ng rehiyon. Sa kanilang espiritu ng kapayapaan at pagkakaisa, biniggyang-diin nila ang pangako sa demokrasya at kolektibong layunin ng kahusayan at kaunlaran para sa isang nagkakaisang Pilipinas.

Ang mga Romualdo, mahahalintupad sa mga pantas na senador noong unang panahon, ay itinuturing ang panawagang ito ni Duterte bilang sedisyo, nagbibigay ng babalang kriminal na pananagot para sa pagsusulong ng paghihiwalay. Si Gobernador Xavier Jesus Romualdo at Kinatawan Jurdin Jesus Romualdo ay humihingi ng pananagutan, nagtatanong bakit, kung totoo nga ang sinasabi, hindi natugunan noong anim na taon ni Duterte sa kapangyarihan.

Sa kwentong ito ng pulitikal na intriga at potensyal na sedisyon, si Año ay lumilitaw na parang Romano na komandanteng senturyon na, naglalangkap ng matibay na depensa sa mga pambansang mithiin. Habang nahaharap tayo sa sangang-daan ng pagkakaisa at paghihiwalay, ang sigaw ni Año ay umuugong sa mga pahina ng kasaysayan, inuudyokan ang mga Pilipino na magsanib-puwersa sa ilalim ng watawat ng ating Republika.

Ang kasuotan ng senturion ay kumakalampag ng determinasyon, sumisimbolo ng kolektibong lakas na kailangan upang pigilan ang anumang pagtatangkang pagkakalas sa ating minamahal na Pilipinas. Pakinggan ang sigaw sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao – nagkakaisang pwersa laban sa malagim na anino ng paghihiwalay, at nagtatanggol sa mga pinaghirapang tagumpay ng kapayapaan at pag-unlad.

Sa pagharap natin sa mahalagang sandali na ito, hayaan nating ang sigaw ni Año para pagkakaisa ang maging gabay na liwanag natin. Sa pagkakaisa, matatagpuan natin ang lakas, at sa pagtatanggol ng ating Republika, tayo ay nagiging mga tagapagtaguyod ng kapalaran ng ating bansa. Sa pagkakaisa, tayo ay tatayo laban sa multo ng paghihiwalay, tinitiyak ang pananaig ng mga prinsipyong soberanya, pagkakaisa, at pagpapatupad ng batas.