Calendar
Año walang nakikitang rason para pulungin ni PBBM ang NSC
WALANG nakikitang rason si National Security (NSC) Adviser Eduaro Año para pulungin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Security Council.
Pahayag ito ni Año sa kabila ng sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na sinadya at gumamit ng puwersa ang Chinese Coast Guard (CCG) nang pigilan ang rotation at resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hulyo 17.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Año na epektibong napapamahalaan ng National Maritime Council ang insidente sa Ayungin Shoan.
“So at this moment, we are not recommending for the convening of the National Security Council,” pahayag ni Año.
“However, the President has the discretion to convene the full council or the Executive Committee anytime,” dagdag ni Año.
Una nang inirekomenda ni Senador Francis Tolentino kay Pangulong Marcos na magpatawag na ng pagpupulong ang National Security Council.
Nais din ni Tolentino na isama sa pagpupulong sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Joseph Estrada at Rodrigo Duterte.