Barbers

Anti-drug enforcement agencies dapat isumite nakumpiskang droga sa Kamara — Barbers

Mar Rodriguez Feb 23, 2023
177 Views

IGINIGIIT ngayon ng House Committee on Dangerous Drugs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang “anti-drug enforcement agencies” na kailangan nilang isumite sa Kongreso ang lahat ng nakumpiska nilang illegal drugs.

Bukod dito, nais din ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace Barbers, Chairman ng Dangerous Drugs, na kailangang magbigay din ng kompletong listahan ng mga nakumpisakang illegal na droga ang mga nasabing anti-drug enforcement agencies upang magkaroon ng ‘transparency”.

Ang pahayag ni Barbers ay bunsod ng naging rebelasyon ni PDEA Chief Virgilio Moro Lazo na naging policy o alituntunin na ng ahensiya ang pagbibigay ng 30% ng mga nakumpiskang illegal na droga para sa mga assets at informants nila bilang reward matapos ang matagumpay na drug raid.

“As of now, we have no knowledge or understanding on the disposition of previously seized drugs that we are still under the custody of law enforcement agencies such as the PDEA, the PNP and the NBI,” sabi ni Barbers.

Sinabi pa ni Barbers na gusto rin nilang malaman kung nasaan na at kung ano ang kasalukuyang status ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion na nakumpiska ng PNP anti-drug agents sa Manila noong October 2022, ang 1,855 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11 billion na nakumpiska naman noong March 15, 2022 sa Infanta, Quezon at ang P11.953 billion halaga ng illegal drugs na nakumpiska naman ng Bureau of Customs (BOC) noong 2022.

Binigyang diin pa ni Barbers na marami siyang nababalitaan at nababasang balita kaugnay sa mga malalaking drug bust operations na ikinasa ng mga anti-drug enforcement agencies. Subalit bibihira naman aniya ang mga balitang may mga sinunod na illegal na droga mula sa mga nakumpiska.