Dy1

Anti-political dynasty bill determinadong ipasa ng Kamara

Mar Rodriguez Feb 20, 2026
153 Views

π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š diin ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na determinado ang liderato ng Kamara de Representantes na maisabatas ang Anti-Political Dynasty Law.

Sa public consultation ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Speaker Dy na hindi lamang layunin ng Kongreso na matugunan ang constitutional mandate kundi ang tiyakin din na ang maipapasang Anti-Political Dynasty Law ay legal at epektibo.

Sinabi ng House Speaker na determinado ang Kamara de Representantes na maipasa ang panukala ngayong 20th Congress.

“Mga mahal kong kababayan. We are serious about passing a fair, just and implementable Anti-Political Dynasty Law in the 20th Congress. Sisikapin namin na ito ay maipasa at maisabatas,” sabi ni Speaker Dy.

Sinabi pa ni Dy na ang pagkakaroon ng mga public consultations ay naglalayong maging maingat at magkaroon ng masusing pag-aaral ang Kamara de Representantes sa pagbabalangkas ng Anti-Political Dynasty Law na tunay na nakaugat sa saloobin ng mga Pilipino.

“We are equally firm in our belief that any law we pass must be the product of wide, inclusive and sincere consultation,” ayon sa House Speaker.