TERROR Pinangunahan ni retired PMGEN Napoleon C. Taas (standing), Sergeant-at-Arms of the House of Representatives, ang “anti-terrorism” security exercise sa Batasan Complex sa Quezon City. Kuha ni VER NOVENO

Anti-terrorism exercise isinagawa sa Kamara

142 Views

NAGSAGAWA ng anti-terrorism exercise sa Kamara de Representantes upang matiyak ang kahandaan ng security personnel nito katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Pinangunahan ni retired PMGEN Napoleon C. Taas, ang Sergeant-at-Arms ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang security exercise na isinagawa noong Lunes.

“We conducted the anti-terrorism security exercise upon the instruction of Speaker Martin G. Romualdez,” sabi ni Taas.

Ang Sergeant-at-Arms ang nangangasiwa sa kaayusan ng Kamara kasama na ang pagpapatupad ng House Rules at proteksyon ng mga kongresista, opisyal at empleyado ng Kamara at pasilidad nito.

“The Speaker wants to ensure that our internal security forces can work seamlessly with law enforcement authorities to effectively address any threats directed against the House of the People,” dagdag pa ni Taas.

Lumahok sa exercise ang mga tauhan ng Legislative Security Bureau (LSB), ang operating arm ng Office of the Sergeant-at-Arms; mga tauhan ng QCPD Crowd Disturbance Management at Police Security Protection Group ng Philippine National Police (PSPG-PNP), Joint Anti-Terror Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang private security ng Kamara.

Naroon din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), at medical personnel para magbigay ng suporta.