Leviste

Apektado ni Opong sa Bauan binigyan ng tulong nina Leviste, Legarda

293 Views

BAUAN, Batangas–Namahagi ng relief goods si Congressman Leandro Leviste at Sen. Loren Legarda sa mga naapektuhan ng bagyong Opong sa nasabing bayan.

Sumali si Mayor Wendah Katrina Rivera Dolor, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang matiyak na maayos na maipararating ang tulong sa mga benepisyaryo.

Nagpasalamat si Mayor Wendah kay Congressman Leviste at kay Sen. Legarda sa patuloy na suporta at malasakit sa mga residente ng nasabing bayan.