Aplikasyon para sa bar exam sisimulan sa Lunes

189 Views

SIMULA sa Lunes ay maaari ng mag-aplay ang mga indibidwal na nais na mag-bar exam, ayon sa Bar Bulletin na inilabas ng Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court tatagal ang paghahain ng aplikasyon hanggang Abril 5.

Ang mga nais na kumuha ng bar exam ay kailangang gumawa ng Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA) account sa https://barista.judiciary.gov.ph/ kung wala pa.

“All applicants are required to complete/update their respective profile, fill out the application form, upload/re-upload digital copies of the documentary requirements, and pay P12,800 application fee exclusively through the modes provided in the BARISTA,” ayon pa sa SC.

Matapos ang 10 araw mula sa pagkaka-apruba ng aplikasyon, sinabi ng SC na kailangang isumite ang printed application forms kasama ang iba pang mandatory requirements sa Office of the Bar Confidant (OBC).

Ang susunod na Bar exams ay nakatakda sa Setyembre 8, 11, at 15. Si Associate Justice Mario Lopez ang chairperson ng Bar exam ngayong taon.