Martin Ipinapakita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Academic Recovery Accessible Learning (Aral) Act na pinirmahan niya upang maging batas sa simpleng seremonya sa Malacañang Palace Biyernes ng umaga. Kasama sa mga mambabatas na nakatestigo sa nasabing kaganapan ay sina (mula kaliwa) Senate President Chiz Escudero, Senator Win Gatchalian (principal author ng Senate version ng panukalang batas), Pasig Rep. Roman Romulo (principal author ng House version), at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

ARAL law ginawa para matiyak na walang estudyanteng maiiwan— Speaker Romualdez

58 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) law na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes.

“This landmark piece of legislation is designed to ensure that students in both the public and private education system who are lagging in their learning process will not be left behind,” ani Speaker Romualdez.

“The law is consistent with the economic development mantra of the Marcos administration that calls for giving every Filipino the opportunity to improve so that he catches up with the rest of our population in terms for making life better for themselves,” dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Sa ilalim ng ARAL law (Republic Act 12028), sinabi ni Speaker Romualdez na magkakaroon ng libre at epektibong national intervention mechanism para sa mga estudyante na nahihirapang matuto ng mga aralin sa partikular sa reading, mathematics at science upang maabot ang competency na itinakda ng Department of Education (DepEd).

“It seeks to address issues on learning difficulties of basic education learners and provide solutions based on assessments by DepEd personnel,” saad pa ng lider ng Kamara.

Ang buong titulo ng ARAL law ay “An Act establishing an Academic Recovery and Accessible Learning Program and appropriating funds therefor.”

Ang programa ng bagong batas ay tutulong din sa mga nais na bumalik sa pag-aaral at sa mga mag-aaral na mahina na reading, mathematics at science, at sa mga estudyante na bumagsak sa pagsusulit.

Ang ARAL program ay isasagawa tuwing summer break.

Ang mga estudyante sa pribadong paaralan na nangangailangan ng tulong sa pag-aaral ay maaari ring sumali sa ARAL program. Ang DepEd ang tutukoy sa mga eskuwelahan na maaaring makilahok sa intervention program.

Ang mga guro, para-teacher, at pre-service teacher ay maaaring pumasok sa ARAL program bilang mga tutor. Sila ay makatatanggap ng bayad alinsunod sa pamantayan ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM).

Ang mga para-teacher ay susuweldo gamit ang badyet ng DepEd o special education fund ng lokal na pamahalaan kung saan naroon ang mga tuturuang estudyante.

Ang tutoring service ng pre-service teacher ay ituturing na relevant teaching experience na kanyang magagamit kapag nag-apply ng plantilla position sa DepEd.

Ang tutorial sa ilalim ng ARAL program ay maaaring gawin ng face-to-face o online o kumbinasyon ng dalawa.

Ang DepEd ay inatasan na makipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Interior and Local Government (DILG), at iba pang stakeholder para sa epektibong implementasyon ng ARAL program.

Ang anumang kontribusyon, donasyon, o grant pera man o in kind ay bibigyan ng exemption sa pagbabayad ng donor’s tax at magagamit na allowable tax deduction.

Ang gastos sa implementasyon ng programa ay isasama sa taunang pondo ng DepEd.

Ang mga lokal na pamahalaan ay pinapayagan na gamitin ang kanilang special education fund para sa pagpapatupad ng programa.

Ang DepEd, katuwang ang iba pang ahensya ang gagawa ng implementing rules and regulations ng bagong batas.