arellano Maaksyong tagpo nina Fil-Am Al Benson ng College of St. Benilde at Jielo Razon ng Perpetual Altas sa NCAA Season 97 mens basketball tournament sa La Salle Greenhills gym in Mandaluyong City. Photo by Dennis Abrina

Arellano ginulat ang Mapua sa NCAA

Theodore Jurado Apr 11, 2022
262 Views

NAITALA ni Justin Arana ang kanyang ikaapat na double-double sa NCAA men’s basketball tournament nang winakasan ng Arellano University ang three-game losing streak makaraan ang 72-63 panalo kontra sa Mapua sa La Salle Greenhills Gym kahapon.

Umiskor si Arana ng 17 points, 12 sa second half, at kumuha ng 15 rebounds nang malusutan ng Chiefs ang pagresbak ng Cardinals sa huling sandali upang makatabla ang kanilang biktima sa 2-3.

“Salamat at nakaahon rin,” sabi ni Arellano coach Cholo Martin. “Iyon ang ipinaglalaban ng mga bata, yung umangat kami sa standings.”

Ang mga koponan na matatapos sa ikaanim na puwesto sa eliminations ay maari pang pumasok sa Final Four sa pamamagita ng play-in.

“Oo kaya pa yung Final Four, yun ang talagang target namin. Pero top six muna kasi yung top four malabo na kasi apat na sila ron eh,” sabi ni Martin.

Matapos ang 3-0 simula, natalo ang Mapua ng dalawang sunod upang malagay sa peligro na makuha ang outright Final Four berth.

Sa ikalawang laro, naipuwersa ng San Sebastian ang four-way tie kasama ng Arellano, University of Perpetual Help System Dalta at Emilio Aguinaldo College sa pang-lima matapos ang 83-71 paggapi sa Lyceum of the Philippines University.

Nagagalak si Arana, na may tatlong assists at tatlong steals, na maibalik ng kanyang tropa ang winning ways.

“Sobrang saya namin ngayon kasi nga frustrated kami kasi sunod-sunod nga talo namin,” sabi ni Arana.

Nagbabanta ang Cardinals sa 60-62 sa huling 4:11, nang bumuslo si Arana ng anim na puntos sa 10-0 run ng Chiefs upang lumayo sa 72-60.

Tiniyak ni Martin na inaalagaan si Arana, na naglaro ng season-high 36 minutes, dahil nagre-recover siya sa right knee sprain na tinamo ng 6-foot-7 center sa season-opening win ng Arellano laban sa San Sebastian.

“Kailangan ko munang mag-focus sa strengthening and therapy. Siguro sa practice, ingat na lang muna, mahirap na baka matuluyan,” sabi ni Arana.

“Okay naman ang strengthening ng tuhod ko. Siyempre kailangan kong ibuhos lahat dito sa laro kasi ito na ang hinihintay namin,” aniyah.

Nagdagdag si Jordan Sta. Ana ng 15 points, pitong assists at apat na rebounds habang nagdagdag si Kai Oliva ng 10 points para sa Chiefs.

Napalaban kay Arana, nagsumite si Mapua slotman Warren Bonifacio ng 11 points at 10 rebounds.

Nagposte sina JM Calma (23 points at 11 rebounds) at Ken Villapando (12 points and 14 boards) ng double-double para aa Stags, na kumuha ng 15 points mula kay Rommel Calahat.

“The boys stepped up,” sabi coach Egay Macaraya matapos makabawi ang San Sebastian mula sa masaklap na 60-61 pagkatalo sa San Beda noong Biyernes.

Namayani ang Stags kahit wala sina Ichie Altamirano (suspension) at Michael Are (injury).

Natalo ang Pirates sa ikaapat na pagkakataon sa limang laro. (Theodore P. Jurado)

Iskor:

Unang laro

Arellano (72) — Arana 17, Sta. Ana 15, Oliva 10, Doromal 9, Carandang 6, Sablan 4, Uri 4, Caballero 3, Cruz 2, Dela Cruz 2, Valencia 0.

Mapua (63) — Bonifacio 11, Pido 9, Nocum 9, Garcia 8, Agustin 7, Garcia 7, Hernandez 7, Lacap 0, Mercado 0, Asuncion 0, Sual 0, Salenga 0, Milan 0.

Quarterscores: 23-19, 41-35, 56-48, 72-63

Ikalawang laro

SSC-R (83) — Calma 23, Calahat 15, Villapando 12, Sumoda 8, Una 8, Dela Cruz 5, Gabat 4, Shanoda 4, Felebrico 2, Cosari 2, Desoyo 0, Abarquez 0.

LPU (71) — Larupay 14, Valdez 12, Navarro 11, Guinto 8, Bravo 7, Guadaña 7, Remulla 4, Cunanan 2, Garro 2, Umali 2, Barba 2.

Quarterscores: 23-20, 46-29, 61-51, 83-71.