Arjo

Arjo, ayaw kaladkarin si Maine sa pulitika

Vinia Vivar Feb 28, 2022
311 Views

Ayon kay Sylvia Sanchez, hindi isinasama ni Arjo Atayde ang girlfriend na si Maine Mendoza sa pangangampanya. Kasalukuyang tumatakbo ang aktor sa pagka-congressman sa District 1 ng Quezon City.

Kwento ng ina ni Arjo sa panayam kay Ogie Diaz, talagang pinuproteksyunan nang husto ng kanyang anak si Maine.

“Sinasabi talaga ni Arjo, ‘ayoko siyang i-front, ayoko siyang dalhin du’n,’ kasi sabi ni Arjo, ‘gusto kong manalo dahil ako, dahil si Arjo ako at pinagkatiwalaan ako ng mga tao. Dahil ginusto at minahal ako ng District 1. Hindi dahil ginamit ko si Maine,’” pagbabahagi ni Ibyang sa panayam niya kay Ogie.

Noon pa nga raw ay ito na ang ibinabato sa kanila ng mga basher – na ginagamit lang ng aktor si Maine.

“Pinagtawanan na lang ng anak ko ‘yun, eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine. Dahil wala raw kaming mga career. ‘Yung ganu’n. Hindi raw kami sikat,” sey pa ni Ibyang.

Dagdag pa niya, hiyang-hiya nga sa kanila si Maine at panay daw ang sorry sa kanila.

“Sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry siya. Sabi niya, ‘Tita I’m sorry.’ Kasi ‘yun nga, sinasabi, ginagamit. Kasi, ang habol daw namin kay Maine, ‘yung milyon niya, ‘yung pera niya, ‘yung McDo niya. ‘Yung ganu’n,” she said.

Hindi na nga lang daw nila pinapansin ang mga basher dahil alam naman ni Maine ang katotohanan.

“Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganu’n ang paniniwala mo sa amin. So, okay na kami du’n, masaya na kami.’ Ang importante, si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” sey ni Ibyang.

’DI ORDINARYONG HORROR FILM

Hindi lang basta horror film ang Bahay Na Pula na idinirehe ni Brillante Mendoza starring Julia Barretto, Marco Gumabao and Xian Lim under Viva Films, dahil tinatalakay nito ang maselang tema ng sexual slavery ng mga Pinay comfort women during the Japanese regime sa ating bansa.

Pero bukod dito, maku-curious ka talagang panoorin ang pelikula dahil for one, ngayon lang gumawa ulit ng horror film si Direk Brillante after 10 years.

He has done Sapi in 2013, pero sabi nga niya ay hindi niya ito masasabing “all-out horror.”

And of course, first time na magsama sina Julia at Xian sa isang proyekto kaya naman nakaka-curious ding makita kung may chemistry ba sila.

Napanood namin ang Bahay na Pula sa digital premiere nito sa Vivamax and we’d say na swabeng-swabe at saktung-sakto lang ang pagkakaatake ni Direk Brillante.

It’s not your typical horror film na halos atakehin ka sa shock factor pero hindi rin naman masasabing salat sa elemento ng horror.

What makes the film more interesting ay ang pagkakaroon nito ng historical background.

Ginagampanan nina Xian at Julia ang papel na young married couple (Marco and Jane) na pumunta sa Mindoro para ibenta ang ancestral house na minana ni Jane sa mga magulang.

Habang nasa ancestral house o Bahay Na Pula ay maraming kababalaghan na mararanasan si Jane at ito ang misteryong sasagutin ng pelikula.

Kasalukuyan nang napapanood ang Bahay na Pula sa Vivamax.