Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
ARRAH

Arra: Puhunan ng artists tiwala at saka mabigyan ng chance

Ian F Fariñas Oct 6, 2024
5 Views

ISA ang GMA Sparkle artist na si Arra San Agustin sa mga suki ng “Regal Studio Presents,” na nagse-celebrate ng ikatlong taon ngayong 2024.

Sa katatapos na mediacon para sa third anniversary episodes ng ‘RSP,’ hindi matapos ang pasasalamat ng dalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Regal execs na sina Roselle at Keith Monteverde, pati na ng GMA bosses.

Ani Arra, “I think kami namang mga actors ang puhunan talaga namin, eh, tiwala at saka chance mabigyan po ng mga chance. And thankful and grateful ako na, sabi nga nila, suki na po ako dito. So, thank you po dahil isa po ako sa mga suki na ‘yon. At least, marami po akong nami-meet na iba’t ibang mga actors na nakakatrabaho ko, mga direktor, mga filmmakers, mga kasama po sa produksyon po ng programa. So, ‘yun very thankful po na hanggang sa season pong ito ay nakasama pa rin ako. Again, thank you very much.”

Sa third anniversary special ng “RSP,” muling kasama ni Arra ang perennial screen partner na si Juancho Trivino sa episode na “I Remember You.”

Ginagampanan ni Arra ang papel ni Marby, isang teacher na hinahanap ang kanyang “the one” matapos ma-catfish sa isang long-distance relationship. Habang nagtu-tutor, makikilala ni Marby si Kyle (Juancho), ang tatay ng kanyang estudyante at ang may-ari ng mukha na ginamit ng nanlokong ex-boyfriend.

“I think I’ve seen so many things working with Juancho so very kumportable po ako,” diin ni Arra sa muli nilang pagsasama ni Juancho.

Samantala, ang iba pang episodes sa “RSP” anniversary special ay ang “Stuck on You” nina Faith da Silva at Jon Lucas, “My Crazy Yandao” nina Elijah Alejo at Raynold Tan, “The Heartbreak Shop” nina Kazel Kinouchi at Prince Clemente, ”Pawfect Match” nina Althea Ablan at Will Ashley, “Remboy Dreamboy,” tampok sina Roxie Smith at Prince Carlos at ”Angel on My Shoulder” nina Ashley Ortega at Rob Gomez.

Ang “Regal Studio Presents” ay napapanood sa Kapuso network tuwing Linggo, 4:15 p.m.